LWTPB 39
"Saf, okay na ba?" Tanong ni Eises sakin habang inaayos ko ang mga gamit ko dahil pupunta ko ng Tagaytay dahil doon gaganapin ang first ramp.
"All is well. Are you sure na okay lang sayong samahan ako? I can manage isa pa nandoon naman si Tita." Giit ko dahil baka nakakaabala ako sa kanya.
"Ayos lang tutal tapos naman na ang term nakapag enrol na din ako. Pati si Claye yung pinaiwanan muna sa kompanya." And yes, graduate na ako. Apat na buwan na din ang nakalipas. Tumango lang ako at sumakay na sa Ferr ko pero si Eises ang nag presentang mag drive.
"Kelan pala balik mo dito sa Manila?" Tanong niya habang nakatingin lang sa daan. Litaw na litaw talaga sa mukha nila ang dugo ng mga Oxrin. Halos pare-parehas silang may perpektong hubog ng mukha.
"Siguro ay mga 2 weeks lang ako sa Tagaytay sandaling bakasyon na rin pagtapos ng ramp. Pagtapos ay mag tratrabaho na din ako sa kompanya. Ikaw?" Sabi ko at pinilig ang ulo sa bintana.
"Hindi ko pa alam. Siguro ay doon muna ko mag sstay habang di pa naman mabigat ang ginagawa sa kompanya." Si Claye ang naatasan ng Papa nila na mag take over muna ng kompanyang naka base dito sa Manila. Naayos na din ang gusot nila kay Miguella ngunit hindi pa rin sila masyadong maayos ni Reema. Wala na din akong masyadong balita dahil naging abala ako sa lahat.
"Uuwi na pala sila Aidan sa susunod na linggo. Alam mo ba?" Diin niya sa isang baritonong boses. Sa loob ng apat na buwan, wala akong naging balita sa kanya ni wala kaming communications o ano. Pinutol ko ang lahat ng samin dahil ayokong makasagabal at kaya nga pinagbigyan ko siya para narin makapag isip-isip siya. Because I dont think Aidan is whole pag nasa tabi niya ko. Padalos-dalos ang mga desisyon niya pagkasama niya ko at ayoko ng ganon. Gusto ko ay buo siyang magdedesisyon hindi para sakin kundi para sa sarili niya.
"Ganon ba? Sila Delta at Blake, kasama?"
"Oo. Natauhan ata si Blake. Haharapin na daw niya si Miguella. Hindi naman kasi pwedeng takbuhan niya lang yon pati tapos naman na ang Field Study nila sa Davao." Sabi ni Eises at humalakhak kaya naman napatingin ako sa kanya. Ganyan na ganyan din siya pag tumatawa...
Alas dos ng tanghali ng makarating kami sa hotel para sa mga models. Sandaling nagpaalam si Eises dahil may pupuntahan daw siya. Agad naman akong sinalubong ni Tita na naka-ngiti habang tinatanaw ko ang iba mga modelo na isa-isa ng dumadating.
"Good to see you, hija. Kumain ka na ba?" Tanong ni Tita pagtapos niya kong yakapin.
"Busog pa po ako. Nasan po si Versace?"
"Nandun sa room niyo. Bale lima kayo don at yung ibang mga models ay nasa kabilang kwarto naman." Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko ang tagal naming hindi nagkita ni Versace at hindi ko alam kung nakapag-usap na ba sila ni Aidan at lalong hindi ko alam kung may ideya na ba siya sa lahat. Huminga ako ng malalim at nagpaalam kay Tita na aayusin ko na ang mga gamit ko. Pagtapat ko sa kwarto namin ay kinabahan agad ako ngunit binalewala ko ang lahat. Nakita ko agad si Versace na nakaupo sa kama. Napatingin siya sakin at umiwas. Maybe she knows everything by now.
"Can we talk?" Bungad niya at ginapang nanaman ako ng kakaibang kaba. After all these time, ngayon na lang ulit mapag-uusapan. Hinanda ko ang sarili ko at tumango bago lumapit sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at tanaw sa mukha niya ang pamumula ng kanyang mga mata.
"Akala ko may babalikan ako. I go back here hoping na maaayos lahat. Pero wala na pala akong babalikan." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nakayuko lamang ako at nakikinig. Gusto kong magalit ngunit hindi ko alam kung kanino.
BINABASA MO ANG
Living With The Pervert Brothers (ONGOING)
Teen FictionWhat will she do? If she'll be living with the pervert brothers? Can she survive? Can they survive? Another romance? or an endless war? Find out.. Cover made by: RoanLeeValdez