This is going to be the last chapter. Epilogue will be posted soon. Thank you for reading LWTPB this far. Much love!
-----
"For real, I really can't believe na ninang na ko anytime soon!" Sabi ni Venice na sobrang busy sa pagdaldal at tingin sa mga magazine. Dinalaw niya kami ngayon ni Aidan dahil nahuhuli na daw siya sa balita. Nakaupo kami sa sofa habang nagluluto naman si Aidan para sa tanghalian.
"What about baby shower?" Naka-ngiti niyang tanong.
"Ven, mas excited ka pa samin. Baka gusto mong gumawa na lang din ng sarili mong baby?" Hirit ko at tinapunan lamang niya ko ng masamang tingin.
"Insulto ka. Wala nga akong boyfriend tapos anak pa? Kung hindi ka lang buntis, kanina pa kita sinaktan."
"What about Steven?"
"We broke up. Didn't work. Di lang pala ako ang outdated."
"So kay Delta nag work ka ganon?" Panunuya ko at napatingin naman siya sakin lalo. Akala ata niya'y wala akong alam sa mga kalokohan niya.
"Baby shower ha! Anong theme gusto mo?" Napatawa na lang ako sa pag-iiba niya ng usapan at sinakyan na lang siya sa gusto niyang mangyare. Kung magkaka-baby shower man kami ay malamang it's gonna be a long preparation dahil imposibleng pumayag si Aidan na simple lamang ang mangyayare.
"Ask Aidan." Sabi ko at tumayo para daluhan si Aidan sa kusina na nagluluto. Nakapang bahay lang siya at di ko mapigilan mag-isip how happy it would be kung palaging ganito lang. Sumunod naman si Ven sakin at umupo sa high chair.
"So Daddy Aidan, what about we throw a baby shower?" Pangungulit ni Ven. Tinignan lang ako ni Aidan as if waiting for me to rebutt.
"That needs a long preparation, Ven." Sagot niya habang inaayos ang niluto niya. Hmm, pasta.
"Sabi ko nga eh kailangan bongga pala. Oxrin at Mori nga pala usapan dito."
"That's my child Ven. You don't expect it to be just simple." I said at inumpisahan ng kainin ang niluto ni Aidan. Tumabi siya sakin at kumuha na din ng kanya. Tahimik kaming kumain habang abala si Venice na maghanap ng mga theme para sa baby shower.
Nang matapos kumain ay nagpasya din si Ven na umuwi habang naiwan kami ni Aidan. Kami naman ngayon ang nag uusap para sa magaganap na baby shower. We want it to be done next month. Pagdating sa ganito ay hinahayaan kong si Aidan ang magdesisyon dahil sobrang hands-on niya.
"You're too serious." Pang asar ko sa kanya.
"Of course. Another Oxrin is coming dapat lang paghandaan." Pagmamayabang niya.
"We can make it simple nothing too grand." Pagpupumilit ko ngunit alam kong hindi siya papayag.
"No Saf. Lahat para sa inyong dalawa ay hindi dapat simple lang. And mind you, this is just a baby shower what more pag kasal na natin pinag-uusapan." Hirit niya at sinamaan ko lamang ng tingin. Wala pa kaming napag-uusapan tungkol sa kasal pero ang Engagement Party ay naka-set na weeks after ng magaganap na baby shower.
"And mind you, hindi ka pa nag pro-propose!" Tinawanan niya lamang ako at tumayo. Sa totoo lang ay hindi naman na niya kailangan dahil siya at siya lang naman ang papakasalan ko. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa Internet ng mga idea para sa baby shower. Nilista ko ang mga sa tingin ko ay kailangan namin. May nahanap na din kaming mag oorganize ng event pero samin pa din ang buong ideya.
Bumalik si Aidan sa tabi ko at kinuha ang hawak kong laptop. Tumatawa siya habang hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Baby, you know how happy I am today..." panimula niya at nag umpisang lumuhod sa harapan ko "so are you willing to make me the happiest man every day? Will you spend the rest of your breathe with me?" Tapos niya habang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. I didn't know this is even possible. To feel your heart ache because of so much happiness and adoration. I held his hand and cried more. Forever, I will be the happiest woman. Tumango ako sa kanya.
"Always, all ways, Aidan." Naka-ngiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at niyakap ako. Nothing feels better than being held by this man. He will always be my refuge, the man I will always come back to because he's my home.
"I love you, A.Z." He kissed me and hold my hand tight. Isang singsing para sa habambuhay. Hindi ako nagdalawang isip na ibigay ang kamay ko sa kanya habang dahan-dahan niyang sinuot sakin ang simbolo ng habambuhay kasama siya.
"I love you. Always." Tanging sagot ko habang patuloy na umiiyak sa kasiyahan. Niyakap niya ko at umiyak din.
"I'm home." Bulong niya at pinakawalan ako.
Pasado alas syete ng gabi ng magpasya kaming pumunta sa bahay nila dahil umuwi na ang parents niya. Alam na nila na magkaka-apo na sila kaya dali-dali din ang pagbalik nila dito sa Manila. Sinalubong agad kami ng katulong nila at kinuha ang mga dala naming gamit. Dito kami matutulog ngayon dahil yun ang gusto ng Mama ni Aidan.
"Naku Maam Safara, lalo kang gumanda!" Galak na galak na sabi ng katulong nila. Nginitian ko lamang siya at nagtungo na kami papasok sa loob. Bumungad samin si Miguella na nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang anak nila ni Blake. It's been a week nung nanganak siya. Dali-dali akong lumapit sa kanya dahil ngayon ko lang makikita si Alston.
"Safara! Kumusta?" Bungad ni Miggy. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay ni baby Alston.
"I'm good. Nasan pala si Blake?"
"Pauwi pa lang yon galing trabaho. Gusto mo hawakan?" Sabi niya habang inaalo si Als. Tahimik siya habang karga ko. Lumapit si Aidan at hinalikan ako sa ulo.
"Can't wait to see you like that in our home every day." Panunuya niya at hinalikan ako sa noo. Binalik ko si Als kay Miggy dahil bumaba na ang parents ni Aidan. Ngiting-ngiti ang bungad nila samin habang niyakap ako ni Tita.
"I can't believe dalawa na agad ang apo ko. I am so happy. Thank you, Safara." Sabi ng Mama ni Aidan. Pumunta kami sa dining area at doon nagpasyadong magkwentuhan.
"Am I late?" Napalingon kami lahat ng dumating si Blake. Sa mag ina niya agad siya dumiretso at binuhat si Alston.
"So Safara, anong balak niyong pangalan ng magiging apo ko?" Tanong ni Tito.
"Balak po namin sabihin sana sa mismong baby shower." Sagot ko.
"It will be grand, I think."
"Nako Papa ano pa ba aasahan niyo eh si Aidan ang Ama." Pang-asar ni Blake na umupo sa tabi ni Miguella. Nag umpisa na kaming kumain at ako agad ang inasikaso ni Aidan.
Kumain lang kami at napag usapan ang kasal ni Miggy at Blake sa susunod na linggo. Habang abala ay nagdatingan si Claye, Delta at Eises. Isa-isa silang nagbeso samin at nakisalo sa pagkain.
"At kayong tatlo anong balak niyo sa buhay?" Tanong ng Mama nila sa kanila. Nagkibit-balikat lamang ang tatlo at kumain lang.
"Too busy for that." Sagot ni Claye.
"Busy o sadyang walang pag-asa kay Reema?" Pang-asar ni Aidan. Tumawa ang magkakapatid habang pikon na pikon na kumain si Claye.
"Maghintay ka lang. Ako na next in line." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Looking at them, made my heart happy. I wish we could stay like this. Always.
BINABASA MO ANG
Living With The Pervert Brothers (ONGOING)
Teen FictionWhat will she do? If she'll be living with the pervert brothers? Can she survive? Can they survive? Another romance? or an endless war? Find out.. Cover made by: RoanLeeValdez