LWTPB 40

7.4K 272 28
                                    


Natapos ang ramp na balisa ako ngunit pinigalan ko hanggang dulo kahit na tanaw na tanaw ko ang mabibigat na titig ni Aidan sakin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil konting kalabit na lang sakin ay alam kong bibigay agad ako. Hinilot ko ang gilid ng ulo ko habang inaayos ko ang mga gamit ko. Alas-otso na ng gabi at ngayon lang natapos.

"Saf, let's eat." Tawag ni Tita sakin at agad naman akong sumunod kung nasaan ang dining hall. Nakaupo na ang ibang mga modelo at nag uumpisa ng kumain. Naupo ako sa tabi ni Tita at inabala ang aking sarili ngunit hindi pa man nagtatagal ay pumintig na agad ang dibdib ko ng marinig ko ang isang baritonong boses.

"Aidan! Akala ko'y umuwi ka na why not come and join us ikaw din Eises." Masayang bati ni Tita at nginitian ako. Shit! Nanglambot nanaman ang tuhod ko buti na lang at si Eises ang tumabi sakin habang sa gilid naman niya umupo si Aidan. Napatingin naman ako kay Versace na abala sa pagkain niya at nag-iiwas din ng tingin.

"Loosen up, Mori." Panunuya ni Eises habang tinapik naman ako sa braso. Humalakhak lang siya at nag umpisa ng kumain habang nag kkwentuhan ang ilan.

"So, baket ka nga pala napunta dito sa Tagaytay, Aidan? Akala ko'y may Field Study ka sa Davao?"

"Tapos na po and besides I didn't came here for nothing," Wika niya sa matigas na Ingles. Napatingin naman ako sa kanya at saktong nakatingin din siya. Halos hindi na ko makahinga dahil sa titig niya! Shit baket ang gwapo niya lalo?! "Kasosyo namin ang Hotel nato at may bagong building na pinapaayos kaya naman pinapunta ko hindi ko alam na dito pala ang venue niyo." Pagtatapos niya at iniwas na ang tingin sakin. Tumango-tango lang si Tita at kumain na ulit. Nagmadali ako at tinapos na lahat. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila na lalabas lang ako.

Pumunta ko sa gazebo at huminga. Parang may nakabara sa lalamunan ko. How can he look at me like that as if parang wala lang sa kanya ang lahat? Pinagmasdan ko lang ang iba't-ibang ilaw na bumabalot dito sa buong resort ng biglang nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kaba.

"Umiiwas?" Napaharap ako sa kanya ng bigla siyang tumabi sakin. Apat na buwan. Apat na buwan lang pero parang ang daming nagbago. Ang daming nabago sa nararamdaman ko na para bang sasabog ako isang kalabit lang.

"Hindi ako umiiwas." Sa wakas ay nakapagsalita din ako. Ang bara sa lalamunan ko ay parang ayaw matanggal. Pinilit kong umayos at pulutin ang sarili ko. Ngunit kahit anong gawin ko alam ko, hindi ako mabubuo dahil malaking parte ang nawala sakin.

"Four months, Safara. Sumaya ka ba?" Diretso niyang tanong habang nag angat naman ako ng tingin sa kanya ngunit sa malayo siya nakatanaw. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Aidan. Sumaya nga ba ako? Palagay ko'y hindi dahil halos gumuho ako nung iniwan ko siya.

"Kasi ako Safara, hindi. Lahat ng pinanghahawakan ko nawala dahil nawala ka rin. I was begging that time kasi hindi ko makuha kung baket kailangan natin maghiwalay. Pero siguro nga, hindi ako buo pag nandiyan ka. Baka nga tamang iniwan mo ko." Tagos lahat sakin ang mga sinabi niya ngunit pinilit kong maging matatag. Ako ang nang-iwan kaya dapat lang sakin ito. But tell me, mali ba ang ginawa ko? Hinarap ko siya at umihip ang malakas na hangin.

"Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan sa naging desisyon ko ha Aidan?! Sa tingin mo ba sarili mo lang ang gumuho nung mga panahon na yon?! Aidan, what you did that time was painful to me! Itinago mo sakin si Versace at lahat ng tungkol sa inyo—"


"That's because I don't love her anymore! Wala na kong pake sa kanya non Safara kasi para sakin ikaw lang putangina ikaw lang yung mundo ko!" Sigaw niya at ramdam ko ang kalabog ng dibdib niya.


"Mahal din kita Aidan that's why I did that. Kaya kita iniwan for you to pull yourself back together! Gusto kong ayusin mo ang meron kayo ni Versace dahil alam kong wala kayong closure kahit masakit Aidan ginawa ko! Now tell me if im wrong! Tell me if what I did was painful enough compare to the pain you've caused me!"

"Pero hindi mo dapat ako iniwan kasi nung mga panahon na yon ikaw yung kailangan ko. Pero ano bang silbi ng lahat? Wala naman ng tayo." Mabilis niyang sabi at iniwan na ko. Ipinikit ko ang mga mata ko bago tumakbo para habulin siya.


"Sorry... Please." Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang nakayakap ako sa likuran niya. Lahat na ng tinago kong luha sa apat na buwan ay sapat na para mailabas ko ngayon.


"Tinanong kita non kung anong dapat gawin ko you told me na kailangan ko munang matuto. Maybe you're right. Kailangan ko sigurong matutong wala ka para kahit anong mangyare, ayos lang ako. Hindi ako guguho." Sabi niya at kinalas ang pagkayakap ko sa kanya. Dire-diretso siyang lumakad palayo at iniwan ako. This time, wala na kong lakas para habulin siya. Wala na kong maisip na dahilan para humabol pa.

Living With The Pervert Brothers (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon