PROLOGUE

597 35 11
                                    

Loving a person is the hardest thing to do.

Magiging masaya ka, matutuwa, masasaktan, maloloka, iiyak, susuko, at kung ano ano pa. Love? Tama ang sabi nila... Love is bittersweet kasi oo nga, masaya ka pero on the other hand, hindi mo maiiwasang masaktan ng sobra. We trust, hope, faith, love. 'Yung tipong sinakripisyo mo nang lahat pero sa huli sadyang... wala talaga.

Loving a person is always a challenge for us, no one can solve it for you.

'Minahal kita pero kusa mo akong pinalayo sayo. Sana nga tapos na, dahil ayaw ko nang bumalik pa sa nakaraang pinagsisihan ko ng SOBRA.'
- - -

"Maraming salamat Boss."

"Naku naman Nick, huwag mo na akong tawaging Boss, ilang taon na ba tayong matalik na magkaibigan?"

"Iba na kasi ngayon Cesar ehh..."

"Walang magbabago Nick, walang-wala."

"Oh sige Ces, punta na muna kami sa titirahan namin at mag aayos pa kami ng Anak ko."

"Sige, basta kung may kailangan kayo lumapit lang kayo sa akin."

Ngumiti lamang si Nick kay Cesar.

Si Nick Alvarez at Cesar Castillo ay matalik na magkaibigan mula pa nang sila ay musmos na bata. Baliktad ang mundo ng dalawa, Langit si Cesar at lupa si Nick. Ngunit kahit na ganoon ay naroon parin ang pagiging tapat nila sa isa't isa.

May mga anak at asawa na rin sila, Buo pa ang pamilya ni Cesar ngunit... Kabaliktaran naman ito ng kay Nick, isang hindi kumpletong pamilya ang meron si Nick.

Limang taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang asawa ni Nick kaya hindi na siya nasilayan pa ng kanilang anak at sa limang taon na iyon ay naroon si Cesar para sa kaniya.

Nang mawalan na nang pangbayad sa upa si Nick ay lumapit siya sa kaniyang kaibigan at napag isipan ni Cesar na kupkupin silang dalawa ngunit bilang isang utang na loob na nito sa kaibigan ay hiniling niya na maging isang Hardinero... Ayaw sana ni Cesar ngunit sa pamimilit ng kaibigan niya ay pumayag na rin siya.

"Pa! Pwede po ba akong maglaro sa labas sandali?" Pagtatanong sa kaniya ng kaniyang anak.

"Pwede, Basta Hard mag ingat ka ha?"

"opo tay!" nagbigay ng isang ngiti si Hard sa kaniyang ama.

Lumabas siya sa kanilang bahay at pumunta sa hardin upang magpahangin...

Ilang sandali lang ay may tumamang tubig kay Hard at isang bata sa likod niya ay tumatawa.

Nilingon niya ito upang sawayin ngunit sa kaniyang paglingon ay wala siyang nagawa.

Dahil anak ng may ari ng Hasyenda ang nagbuhos ng tubig sa kaniya.

Siya si Eane Syra Castillo in short Easy Castillo.

"HAHAHAHA!! Grabe! H-hindi ko m-mapigilang tumawa HAHAHAHA!"

Walang tigil na pagtawa ni Easy habang tinitignan ang basang basa na si Hard.

Hindi parin tumitigil sa pagtawa si Easy hangga't sa umalis siya ng hindi man lang humihingi ng paumanhin.

Ang unang araw na hindi makakalimutan ni Harry Dansel Alvarez.

- -

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon