Chapter 26 ♥♥

52 6 0
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Kanina pa nakaalis sila Hard at Tito Nick. As soon as makaalis kasi sila kanina, mabilis akong pumasok sa bahay namin at nag-deretso sa kwarto ko.

Dapat 'diba masaya na ako? Kasi At Least wala na akong kaagaw sa atensyon ni papa, kasi malilipat na sa akin 'yung atensyon. Pero hindi eh... parang hindi ko matanggap na wala na siya dito sa amin.

Well, Magkikita pa naman kami sa school pero 'yung Fact na hindi ko na siya makakasabay mag-dinner, makakasabay sa agahan at sabay na pupunta sa paaralan. Parang ang hirap tanggapin.

Hindi ko na maintindihan sarili ko... hindi ko nga alam kung love na ba talaga 'tong nararamdaman ko para sa kaniya kasi hindi ko pa naman 'to naranasan ni minsan.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko bago tumayo sa pagkakahiga.

Napatingin ako sa orasan ko... 2:00 na ng hapon, pupuntahan ko pa pala si Janella. I Know may problema 'yun.

Makikinig na lang muna ako sa drama ng isang 'yun kaysa sayangin ang oras sa pag-iisip rito... wala rin namang patutunguhan eh.

Hindi ako nagbihis ng pambahay kanina kaya sandali ko na lang inayos ang sarili ko at tuluyan nang lumabas.

Pagkababa ko sa sala ay agad akong sinalubong ni Mommy. I smiled at her.

"Where are you going Anak?" Pauna niya.

"Janelle wants to talk to me, Mom. Can I?"

"Sure... later on, tayo naman ang mag-uusap."

Nagtaka ako nigla. Ano naman pag-uusapan namin?

Niyakap ko na lang si Mommy tsaka nagpaalam kay Daddy bago tuluyang umalis.

Pumunta na ako sa Garage, naroon naman na driver namin.

"Saan tayo Ma'am?" Tanong nito ng makasakay na ako sa kotse.

"Sabado's Mansion please?"

"Okay Ma'am."

Then he starts the engine.

While on ride, hindi pa rin maalis alis sa isip ko si Hard... he keeps on crossing through my mind. Hindi naman ako ganito dati eh?

Isa pang gumugulo sa isip ko ay 'yung pag-uusapan namin ni Mommy later. May nagawa ba akong mali?

Habang nakatingin ako sa bintana ay biglaang tumunog 'yung phone ko kaya naman napatingin ako roon.

Moriel Calling...

Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag niya.

"Hello?"

[Easy, Where are you?]

"Papunta kanila Janelle, She wants to talk to me raw."

[Oh I see... gusto sana kitang makausap eh.]

"About what?"

[Sasabihin ko na lang sayo sa DayCare Handling... sabay tayo sa monday ha?]

"Sure, sunduin mo ako okay?"

[Yes Ma'am. Anyway, hindi mo kasabay si Hard sa monday right?]

"Nah... hindi na siya nakatira sa amin. Nagkaayos na kasi sila nung Lola niya and doon na sila tumira."

[Oh... Okay. So, See you on monday?]

"Same."

Ngumiti ako ng bahagya kahit na hindi naman nito nakikita bago in-End 'yung Call.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon