Chapter 48 ♥♥

33 3 1
                                    

- - Nicko's P.O.V - -

Kakatapos lang ng libing ni Tita Rhea ngayong araw, hindi na namin pinatagal 'yung burol dahil mas mahihirapan si Hard pag ginawa pa naming isang Linggo. Napag-usapan naman na naming lahat iyon at pumayag na rin si Nick sa bagay na 'yon.

Sabado naman ngayon kaya plano kong umuwi nalang sa bahay. Medyo nagaanan na rin naman 'yung loob ko kahit papaano. Si Hard, pansin pa rin na nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ni Tita pero hindi na tulad nung unang araw.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay biglang tumunog 'yung phone ko na nakapatong doon sa Passenger's seat. Sandali kong kinuha bago ko tiningnan kung sino 'yung tumatawag.

Harry Calling...

Kahit na nagtataka ako sa pagtawag niya, sinagot ko pa rin. Baka may mahalaga siyang sasabihin sa akin.

"Hello? Napatawag ka?" Tanong ko rito.

[Quadrangle ng school, hintayin kita doon]

"A-anong gin--"

Call Ended...

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya, Quadrangle? Nandoon siya kaagad? Eh kasama ko lang siya sa Libing kanina ah? Tsaka hihintayin niya ako? Para saan?

Napa-iling nalang ako bago magsimula nang magmaneho.

What is this feeling? Bakit pakiramdam ko... hindi maganda ang mangyayari?

- -

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa school. Sandali kong ipinarada 'yung kotse ko bago tuluyang pumasok sa Campus.

Medyo malayo 'yung quadrangle sa main gate kaya kailangan ko pang lakarin papunta roon. May parking lot kasi 'tong school kaya hindi pwedeng ipasok 'yung mga kotse sa campus.

While walking, I saw two people that looks so familiar kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na lapitan sila.

Pagkalingon nila sa akin ay mas nakaramdam ako ng kaba. Si Riko at Janelle.

"Sir? Trabaho agad kayo?" Tanong sa akin ni Riko.

Huminga muna ako ng malalim bago umiling bilang tugon.

Bigla namang nagka-tinginan si Riko at Janelle sa sagot ko.

"P-pinapunta ka rin niya rito?" Nag-aalangang tanong sa akin ni Janelle.

I just nod.

"I think... may Idea na ako about dito. Si Easy ba?" Biglang nalungkot ang hitsura ni Janelle samantalang inalo naman siya ni Riko.

"Bigla niya kasing narinig. Alam mo na, she wants to help her bestfriend na maitama lahat kaya naging topic nila 'yun during Tita Rhea's Wake." Sagot sa akin ni Riko.

"It's okay Janelle... for now, harapin na muna natin siya."

They nodded at me bago kami sabay-sabay na hinanap si Hard.

Hindi naman kami nahirapang hanapin siya, nakaupo lang siya sa isang bench na malapit sa stage. Hindi na kami nag-dalawang isip pa na lapitan siya kaya nang mapalapit kami sa konaroroonan nito ay tsaka na lamang niya kami tiningnan.

Kitang-kita sa mga mata niya 'yung lungkot at sakit. At pansin rin na dumeretso siya dito galing sa libing.

Hindi kami naupo. Parang nahiya na ata kaming tatlo na harapin siya dahil sa sekretong itinago namin.

Alam kong may mali ako. Pero anong magagawa namin? Minsan, mas makabubuting itago mo na lang para sa kapakanan nung taong pinagtataguan mo. Kaysa sa malaman niya ang totoo at maging dahilan pa para masaktan ito.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon