Chapter 22 ♥♥

46 5 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Mabilis na dumaan ang dalawang araw and fortunately, nakakalakad na ng mabuti si Easy. Kaya kasama siya sa activities.

10:00 ang all-in ng lahat ng sasama sa activity and as their adviser said, batangas ang rota nila ngayon.

Nagkausap naman si Hard at si Easy na sabay na silang pupunta sa school. Buti nalang at hindi na ganoon ka-awkward ang paligid nila.

9:15 nang matapos ng mag-empake ang binata. Hihintayin na lamang niya si Easy sa sala.

Idinala lahat ni Hard ang kailangan. Pampalit ng damit, toothbrush, towel, panligo, emergency kit at syempre, pocket money niya.

Excited ang lahat sa activity na mangyayari. Ano kaya ang mga maaaring mangyari sa batangas team building?

Lalong-lalo na sa pagitan ni Hard, Easy at Moriel?

Time check: 9:30 kakalabas lang ni Easy sa kwarto niya kaya naman tumayo na rin si Hard at nang malapitan siya ng dalaga ay tuluyan na silang umalis.

And since nauna na ang Daddy niya kanina ay nagpahatid na lamang sila sa butler ng pamilya.

Pagkasakay ng dalawa sa kotse ay agad namang umandar ito patungo sa paaralan.

Habang nakasakay sila ay biglang tumawag si Moriel sa dalaga.

[Hey.]

"Yes?"

[Sabay na tayo? I'm on my way to your house.]

"Oops, sorry but... sabay kami ni Hard eh. Papunta na rin kasi kami sa school."

[Ahh, okay. Take care.]

Call Ended...

She ended the call. Napansin niya kasi ang biglaang pagkatamlay ng boses ni Moriel sa kabilang linya.

Hindi niya maiwasang isipin na baka nasasaktan niya na ng sobra ang binata. Pero hindi pa niya natatapos ang pagganti niya kay Hard, on going palang.

Pero, lahat naman siguro ay nagtaka. Bakit nga ba napaluha si Easy nung gabing 'yon?

- - Easy's P.O.V - -

Lahat na kami ay nasa school na. Perfect naman ang attendance ng lahat ng nagbigay ng waiver kaya ang kailangan na lang ngayon ay ang service bus namin.

"Excited?" Napalingon ako sa likod, si Janelle pala na lumalakad palang papalapit sa akin.

"Yeah. Pero, sana masaya."

"I know magiging masaya 'to. Tabi tayo sa bus ha?"

"Depende."

Hindi naman nagtagal ay narito na rin ang dalawang service bus. Each of us was given a sit number and syempre kailangan naming sundin 'yon.

"Anong number mo?" Tanong niya sa akin.

"28... ikaw?"

"Tch. Nasa 33 ako."

I laughed.

"Hayaan mo na Bruu..."

Natigil kami sa pag-uusap ng magsalita na si Ma'am Chelsea.

"Okay guys, pasok na kayo sa loob and Find your sit. Please students, follow your numbers para may kaayusan tayo, okay?"

"Yes Ma'am!"

Isa-isa na kaming pumasok sa service bus. Medyo natagalan lang ako dahil paunahan ang pagpasok ng mga estudyante. Sino kaya katabi ko?

Nang makapasok na ako sa bus ay agad ko ng hinanap 'yung sit ko. Medyo nasa likod na rin.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon