Chapter 28 ♥♥

109 9 12
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Naghahanda na ang lahat para sa pag-alis nila sa lugar na pinag-gawan nila ng Activity para sa ngayong araw.

Hindi pa rin binibitawan ni Hard at Angela ang kamay ni Jasmine.

"So... We need to leave, students. Magpaalam na kayo sa mga batang inalagaan niyo." Announcement ni Sir Nicko sa kanila.

Lumuhod naman ang dalawa para pantayan ang bata.

Sandaling hinalikan ni Hard ang noo nito bago nginitian.

"Aalis na po ba kayo?" Tanong ng bata sa kanila.

Sabay lang silang tumango.

"Pero promise namin ni ate Angela mo na babalik kami... Hintayin mo kami ha?"

"Opo! Ingat po kayo!"

Niyakap nito ang dalawa bago tumakbo palayo sa kanila.

Sabay namang tumayo si Hard at Angela matapos 'yun.

"Babalikan talaga natin siya?" Tanong ni Angela sa kaniya.

"Oo, Twice a week, If it's okay with you."

"Sure."

"Ako na bahala kung kailan, Deal?"

"Deal."

Nagkangitian lamang ang dalawa bago sabay na lumakad papasok sa service bus.

Hanggang ngayon, hindi parin naaalis ang paningin ni Easy sa dalawa. Pansin namang apektado siya rito.

"Easy..." tawag sa kaniya ni Moriel.

"Hmm?"

"Hindi ko mabasa ekspresyon mo."

"Nah, Don't mind me. I'm okay."

Tumango na lamang si Moriel bago ibaling ang paningin sa iba. Alam niya naman na ang dahilan ay si Hard, pero ang tanong na gumugulo sa isip niya... Bakit apektado si Easy kay Hard samantalang sa kaniya, hindi siya ganito kaapektado?

Umiling ito sandali.

Naupo si Hard at Angela sa bakanteng upuan, which is nasa harapan lamang ni Easy at Moriel. Dahilan para mas lalo itong maapektuhan.

Ano bang magagawa niya? Eh nandiyan na silang dalawa eh.

Kinuha niya sa bag niya ang headset nito bago iyon gamitin. Para kahit papaano, the Music can release the pain.

---------

Hindi naman masyadong naging matagal ang byahe nila since hindi masyadong malayo ang Daycare sa paaralan nila.

Isa-isa nang lumalabas sa service bus ang mga estudyante at tulad kanina, sabay na bumaba si Moriel at Easy sa bus.

Mukha namang hindi iniintindi ni Hard ang lahat. Dahil sa batang bumabagabag sa utak nito.

"Tara na?" Tanong ni Angela sa kaniya dahilan para maibalik ito sa wisyo niya.

"Tara."

Sabay na lumabas ang dalawa sa bus at nagtungo sa flag pole area.

Pag-uusapan pa kasi ng lahat ang magiging oras ng byahe nila bukas papuntang Tagaytay. At dahil pag-aari iyon ng pamilya ni Easy, siya mismo ang may hawak ng plano at schedule.

Nang ma-assure nila na kompleto na silang naroon ay nagsimula nang magsalita si Easy sa stage.

"Uhmm, Good afternoon guys. So ayun... bukas na 'yung Tagaytay friendship day natin. Nag-reserve na 'yung resort para sa atin. So ibig sabihin, walang ibang taong pwedeng pumasok doon kundi tayo lang. So we are going to the majority win. Sinong pabor sa 10:00 na byahe? Para lunch time na ang dating natin sa resort?"

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon