Chapter 33 ♥♥

60 6 4
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Maagang nagising si Hard tulad ng nakasanayan nito.

Medyo inaantok pa ito pero pinilit niyang bumangon para siya na ang magluto ng agahan ng kaniyang ama at ng kaniyang Lola.

He firstly go to the bathroom to do his morning rituals.

As soon as matapos siya sa kaniyang morning rituals ay lumabas na ito ng kwarto niya at nagtungo sa unang palapag ng bahay kung saan naka-locate ang kusina ng bahay nila.

Pagkababa na pagkababa niya ay wala pang katao-tao roon kaya mabilis itong nagtungo sa kusina para kausapin 'yung magluluto.

Fortunately, hindi pa nakakapagluto ang katulong.

Agad niya iyong nilapitan at nginitian ito.

"Good morning sir!" Bati ng ilang katulong sa kaniya.

"Good morning din po!" Nakangiti at masigla niya namang sagot sa kanila.

"Uhmm... Nanay Desiree!" Tawag pansin niya doon sa katulong nilang naka-assign sa pagluluto ng agahan.

Medyo may edad na rin iyon since matagal na itong nagta-trabaho sa pamilya ng Olivares. To be specific, para na siyang mayordoma o katiwala ng bahay nila

"Yes Anak?" Tanong nito sa kaniya.

"Pwede po bang ako na lang ang magluto ng agahan?"

"Hindi pwede Harry, trabaho kong magluto kaya maupo ka na lang muna sa sala-"

"Uhmm, nanay. Ako na po. Gusto rin po sanang lutuan si Lola at papa ng breakfast."

"Ganoon ba? Sigurado ka ba anak?"

"Opo nanay. Kayo po, dapat po nagpapahinga pa po kayo."

"Ay naku, hindi na kailangan. Paano? Ikaw na bahala?"

"Opo nanay."

"Oh sige." Nginitian na lamang ni Hard ang matanda bago tuluyang naghanap ng pwede nitong iluto.

Hindi maalis-alis sa mga labi niya ang ngiti at ang sayang nararamdaman nito.

Dahil hindi na lamang ang kaniyang ama ang kaniyang nilulutuan, kundi pati na rin ang kaniyang lola.

Sa pagtingin niya ng makakain sa kanilang refrigerator, Tapa and Egg lamang ang nakakuha ng atensyon niya.

Alam naman niya na magiging masarap na agahan iyon para sa kanila.

Inilabas niya iyon mula sa ref. At inihanda na para sa pagluto rito.

As soon as maihanda na niya ang mga gagamitin, ay nagsimula na itong magluto.

- -

Naabutan ni Nick at ni Rhea (Lola niya) ang binata na naghahanda sa dining area kaya as soon as makalapit sila sa kaniya ay tsaka nila kinausap si Hard.

"Oh apo? Bakit ikaw ang naghahanda diyan? Ang rami mo namang pwedeng utusan diyan ah?" Tanong ng kaniyang Lola sa kaniya.

"Ikaw ba ang nagluto, Hard?" Tanong naman sa kaniya ni Nick.

Nginitian na muna ng binata ang dalawa bago ito sumagot sa kanila.

"Opo pa, ako po nagluto. Nasanay po kasi ako na nilulutuan ko ng agahan si Papa, 'La. Gusto ko po sana na kapag ganitong may oras ako, since maaga naman po akong gumigising... ako na po ang magluluto at maghahanda ng agahan natin."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon