Chapter 14 ♥♥

50 8 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Nagkaroon ng kwentuhan sa pagitan nila habang nasa hapagkainan ang mga ito. Hindi lamang ang kanilang mga magulang kundi kasama rin silang Anak.

"Hindi mapagkakaila... anak mo nga siya Nick."-Cesar

"Napakaswerte ko nga at siya ang naging anak ko eh."-Nick

Biglang may naalala si Yuhiro na dahilan para tawagin niya ang binata.

"Hard?"-Yuhiro.

Mula sa pagiging abala sa pagkain ay napatingin ito kay Yuhiro na tinawag ang kaniyang pangalan.

"Po?"

"Gusto mo bang... pag-usapan natin ang mama mo?"

Mula sa gulat na ekspresyon ay nagbago ito at naging isang malungkot na ekspresyon.

"Sorry for asking.... B-baka lang kasi interesado ka."

Nginitian siya ng binata ngunit isang malungkot na ngiti bago muling nagsalita.

"Pwede po ba?" Sambit ng binata.

Sa tanong na iyon ni Hard kay Yuhiro ay napatingin sa kaniya ang lahat, ganoon rin ang kaniyang ama na kahit minsan hindi pa nagkwento sa kaniya dahil kapag nagkwento si Nick sa anak niya, alam niyang magiging apektado din siya. Dahil miss na miss na niya ang kaniyang Asawa.

"Pwede. Later pagkatapos nating kumain, doon tayo mag-usap sa cottage... okay lang ba?"

Tumango naman ang binata at muli nang ibinaling ang pansin sa pagkain.

Ilang sandali lang ay bumulong sa kaniya si Easy na nasa tabi niya lang.

"Ayos ka lang ba?"

Walang lingon-lingon ay tumango ang binata. Pinili na lamang ng dalagang manahimik.

- -

As soon as matapos silang kumain ay tulung-tulungan sila sa pag-aayos ng mesa, kahit papaano ay mayroon naman silang taga-hugas ng plato nila sa Resort kaya hindi na sila nag-abala pa.

Ang magkaibigan (Cesar at Nick) ay napagplanuhang mag-inuman. Si Easy naman ay nanatili na lamang sa kaniyang kwarto at may aayusin lang daw siya. Sabay naman na nagtungo si Hard at Yuhiro sa cottage malapit sa kanilang tinutuluyan.

"Hmm... sorry ha?"

"Bakit po kayo nagso-sorry?"

"...Wala lang."

"... Tita?"

"Yes anak?"

Ilang sandali ay nanahimik si Hard para huminga ng malalim bago muling humarap kay Yuhiro at muling magsalita.

"...pwede niyo na po bang simulan?"

Sandali siyang nginitian nito bago nag-tuloy sa sasabihin.

"As you wish."

"Isa si mama mo sa pinaka mapagkakatiwalaang tao. Matagal na kaming magkaibigan hindi ko pa kilala si Cesar noon, Parehas kasi kami ng paaralang pinapasukan... Doon niya rin nakilala ang papa mo kasi isang scholar ang papa mo noon sa paaralang pinapasukan namin. She's a brave, jolly person and For me? For your father? She is an Incredible woman. Dahil ipinaglaban niya ang papa mo sa parents niya, She even choose to be poor than letting your father go..."

"Ang pamilya ng mama mo ay may pinaka-malagong kumpanya dito sa buong pilipinas noon, hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa. Pilit silang paghiwalayin ng parents ni Harriet (Name ng mother ni Hard) pero ang ginawa niya? Iniwan niya ang kayamanan na alam niyang mamamana niya pagdating ng tamang panahon. Iniwan niya ang pamilyang kinalakihan niya... dahil alam niya, na isang kayamanan na para sa kaniya ang makasama habang buhay si Nick, Ang papa mo..."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon