Chapter 44 ♥♥

29 3 1
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Mabilis ang takbo ng sasakyan. Kasama ko si Mommy and Daddy na hindi rin maalis ang pag-aalala.

Pinilit ni Dad na pabilisin lalo ang kotse namin papunta sa Hospital kung saan tinakbo si Tita Rhea. Samantalang hindi naman mawala-wala sa isip ko si Hard.

Alam ko na mahirap para sa kaniya 'to, she is the one who he treated as his mother, and masakit para sa kaniyang mabalitaan 'to.

Is he okay? Umiiyak ba siya? What can I do?

"We're here." Kabadong banggit ni Daddy bago kami sabay-sabay na lumabas sa kotse.

Hindi na inabala pa ni Daddy na iparada 'yung kotse niya. Basta nasa free space kami tumigil.

Pare-pareho kaming tumakbo papasok ng Hospital and si Dad na ang dumeretso sa Nurse Counter para tanungin kung nasaan si Tita Rhea. Ilang sandali lang ay sinabi na rin niya sa amin 'yung Floor at 'yung room number bago kami nagtungo roon.

Gumamit na lang kami ng elevator para mabilis na makarating sa 4th, Floor... kung nasaan naka-locate 'yung Room number.

I can't think of anything but him, nag-aalala ako para sa kaniya at para kay Tita Rhea.

Pagkarating namin sa nasabing floor ay natanaw na namin agad si Tito Cesar at si Hard. Nakatayo lamang si Tito Cesar at bahagyang naglalakad samantalang nakaupo lang si Hard sa Bench doon at nakatungo.

Agad namin silang nilapitan.

"Nasaan siya?" Tanong ni Mom kay tito.

He sadly looked at us bago sumagot.

"She's inside, inaalam pa ng mga doktor ang sakit niya."

"I hope gumaling siya." Saad naman ni Dad bago sila sabay-sabay na nanahimik.

Ako, hindi ko maalis ang paningin ko kay Hard kaya naman napag-planuhan ko ng tabihan siya.

Pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi nito ay agad kong hinagod ang likod niya.

"She will be okay. I know." Bulong ko rito.

Well, kahit ako... hindi sure sa mga maaaring mangyari. But this is the only thing I can think of comforting him.

Bahagya lang siyang tumango nang hindi ako tinitingnan. Pero ayos lang sa akin, I know that he is hurt... and I know that he needs silence for now.

Naninikip 'yung dibdib ko sa nakikita ko.

Those smiles, those eyes na walang halong sakit, those laugh na alam kong totoo... I can't see it this time. All I can see and feel is his sadness inside.

Nabalot kaming lahat sa katahimikan habang lahat ay hindi maiwasang mag-alala. Ngayon ko rin lang napansin na nandito rin si Sir Nicko.

Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na 'yung doctor dahilan para lahat kami ay mapatingin sa kaniya at mapatayo kami ni Hard sa pagkakaupo.

"K-kamusta na po siya, Doc?" Tito Nick asked.

"She is stable now. Bumalik na sa normal ang pumping ng heart niya at humihinga na rin siya normally. Buti na lang at mabilis niyo siyang naidala dito kaya hindi na lumala pa 'yung lagay niya. She will wake up in no time so be sure na nasa tabi niya kayo pag nagising siya."

"Ano po 'yung sakit niya?" Si Sir Nicko naman na ang nagtanong this time.

The doctor looked at us one by one bago sumagot.

"Arrhythmia. She already had it ever since she was born and Arrhythmia means Irregular heartbeat. For her age, I can tell na nag-worsen na 'yung sakit ng puso niya. And mas naging malaki ang possibility na mauulit 'tong ganitong pangyayari. I should go." Litanya nito bago kami iwan.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon