Chapter 20 ♥♥

52 8 0
                                    

- - Hard's P.O.V - -

"I heard everything."

Narinig niya? Ang ano?

Bigla akong kinabahan. Narinig niya kaya 'yung pag-amin ko sa kaniya? Huwag naman sana...

"Ang a-ano?"

Hindi ko siya matingnan ng deretso sa mata. Hindi ko rin kasi mapigilang mahiya.

"Remember that night when I'm still confined in the hospital? The night you confessed everything to me. I heard that everything... Clearly."

Natameme ako bigla... Hindi ko naihanda ang sarili ko sa bagay na 'to. Alam kong tulog siya no'n... Pero paano?

"Gusto ko lang malaman kung lahat ba ng narinig ko, totoo." Dagdag niya.

Hindi ko na dapat sayangin ang pagkakataong 'to. Chance ko na 'to para masabi ko sa kaniya lahat since alam na rin naman niya.

Humawak ako sa batok ko na gesture ko kapag nahihiya ako at iniwas ko ang paningin ko sa kaniya bago siya sagutin.

"L-lahat ng Narinig mo... T-totoo."

Dahan-dahan kong Ini-angat ang ulo ko para makita ko ang ekspresyon niya. Pero nagulat nalang ako ng makita ko siyang naka-ngiti.

"Dati, malaki lang galit mo sa akin. Dati, kinamumuhian mo lang ako. Dati, lagi mo akong kinukumpara sa standard mo. Dati, gusto ko na ring sumuko. Sumuko sa pag-asang magkakaayos pa tayo pero hindi ko alam na aabot sa puntong magkakaayos tayo at sa puntong..."

"Magkakagusto ako sayo ng ganito. Nagalit na ako sayo, naubos na rin pasensya ko sayo noon pero nang dumating sa puntong 'to? Parang lumambot bigla ang puso ko..."

"Wala naman talaga akong alam tungkol sa love na 'yan dati eh, pero ngayon... Unti-unti ko nang napag-aaralan.."

Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung lakas ko para masai lahat ng iyon pero hindi ko na kailangang intindihin 'yun, ang kailangan ko nalang ngayon ay masabi ko sa kaniya lahat.

"Alam ko na wala akong laban kay Moriel dahil ang layo ko sa standard niya.... NIYO. Hindi ako nakakasakay sa magarang sasakyan na pag-aari ko mismo. Hindi ako nakatira sa malaking bahay na pag-aari mismo ng pamilya ko. Pero masaya ako dahil kahit na middle class lang akong tao, nakilala kita..."

"At marami akong natutunan."

This time nakatingin na ako ng deretso sa mata niya. Nagkaroon ako ng confidence ngayon na harapin siya at sana... Walang magbago pagkatapos nito.

"Hard... Gusto rin kita."

Muli akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya.

Tuluyan ko nang kinuha 'yung tray at walang paalam na lumabas sa kwarto niya.

Nang makalabas ako ay doon na lamang ako nakahinga nang maluwag.

- - Easy's P.O.V - -

Nang lumabas na siya ng kwarto ko ay huminga na lamang ako ng malalim.

Dapat masaya ako ngayon kasi ngayon na ang simula ng plano ko. Pero bakit... Parang nakakaramdam ako ng guilt dito sa puso ko?

Bakit iba 'tong nararamdaman ko matapos ang confrontation namin?

Bumuntong hininga ulit ako bago kunin 'yung phone ko na nakapatong sa mini table.

I texted Janelle... I think, I need someone to talk to.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon