Chapter 42 ♥♥

37 4 0
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Kaka-alis lang ni Mommy at Daddy dito sa bahay. Matapos kasi naming mag-usap kanina ay sinabi nila sa akin na pupunta sila sa Company ni Daddy dahil may Meeting ang board members this day. And since kasama si Mommy roon, She needs to go with my father.

Mag-isa ko lang rito sa Sala habang kumakain ng Chips at nanunuod ng kung anong pwedeng panuorin. Wala naman akong ibang magawa kaya nabo-bored na lang ako rito.

Habang abala ako sa panunuod ay agad akong napatingin sa phone ko ng tumunog ito.

At nang makilala ko kung sino ang tumatawag ay agad ko naman iyong sinagot.

[Hello.] Saad nito sa kabilang linya.

And again? Hindi ko na naman mapigilang mapangiti no'n.

"Hi." Simpleng sabi ko. Pero may excitement sa pagsasalita ko.

[Do you want to go out?] Tanong nito.

"I'll just get permission to my parents."

[Huwag na. Naipaalam na kita.]

"Ahh-WHAT?!" Hindi ko inasahan 'yung sinabi niya. Naipaalam? Paano?

tanging tawa niya lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Seriously?" Dagdag ko.

[Uh-huh.]

"Paano?"

[Kakatapos lang naming makapag-usap ni Tito sa telepono. Sabi niya, punta raw ako sa bahay niyo mamaya for dinner... gusto daw nila akong makausap. Kaya ayun, pinagpaalam na kita.]

Bigla akong natigil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan 'yun. Si dad, tinawagan siya. Tapos niyaya siya for dinner?

[Still there? I'm on my way to your house.] Dagdag Pa nito.

Mas nataranta naman ako sa narinig ko.

"I'm getting ready. I'll hung up."

[Okay. Bye]

Call Ended...

And as soon as ma-end ko na 'yung call ay tumakbo na ako pa-akyat para mag-half bath. Agad-agad naman kasi siyang nagyaya tapos on the way na siya.

Alam ko na kaya siya niyaya ni Daddy for dinner dahil nga sa nalaman nilang sinagot ko na siya. At hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Kung tutuusin, dapat si Hard ang kabahan eh... kasi ako 'yung anak. Pero bakit feeling ko, mas kabado pa ako sa kaniya? Rinig sa boses niya kanina na hindi ito kinakabahan, ang energetic pa nga ng tono ng boses niya eh.

Matapos kong ihanda 'yung isusuot ko ay agad na akong nagtungo sa CR para maligo.

- -

Pagkalabas ko ng gate namin ay nakita ko siya na nakatayo lang doon and as soon as magtama ang mga mata namin ay tsaka kami nagka-ngitian.

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa backseat ng kotse nila. And since hindi siya marunong mag-drive, may driver siyang isinama rito.

Nag makapasok at makaupo na ako ay tsaka siya naupo sa tabi ko. At nang maisara niya na ang pintuan ng kotse nila ay agad na itong umandar.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

He looked at me and smiled.

"Mall, hindi ako nakapag-plano eh." Sabi nito at tsaka siya napahawak sa batok niya.

Bahagya akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya at hindi na ako nag-dalawang isip na hawakan ang kamay niya. I'm not aggressive... sadyang gusto ko lang hawakan iyon. He looks so cute pag nahihiya siya and I like the fact na nakikita ko iyon.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon