Chapter 34 ♥♥

82 5 0
                                    

- - Hard's P.O.V - -

Balik eskwela na rin kami. It will be a normal day for all of us.

Ilang Linggo nalang. Second Quarter exam na namin. Ang bilis gumalaw ng Araw at Oras, parang kailan lang... nagsimula ang klase namin tapos ngayon... malapit na ang Third Quarter.

Nakasakay ako ngayon sa kotse namin papunta sa school. Sabi kasi ni Papa, Ihahatid na lang niya ako.

Marunong nang magmaneho si Papa. Syempre bago kami nakitira kanila Easy noon, naging Driver muna si Papa. To be honest, marami siyang Sideline noon.

Kaya siguro nasanay ako noon na madalas siyang wala sa bahay.

Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ay agad kong nilingon si Papa ng tawagin niya ako.

"Hard?"

"Yes, Pa?" Sagot ko.

"Are you okay?"

Sa tanong niyang iyon ay nanahimik ako bigla at napatungo.

Ano ba ang tamang sagot ko sa kaniya. Ayos lang ako? O Hindi?

Alam ko na ang weird ko this past few days pero... anong magagawa ko? Naguguluhan ako sa kung ano-anong bagay.

Flashback...

"Buti na lang at pumunta kayo rito."

"Naging pamilya na rin naman ang turing ko kay Tito eh. Marami din akong nagawang hindi maganda sa kaniya kaya gusto kong makabawi sa ganitong paraan."

"Hindi naman nagalit sayo ni minsan si Papa eh. Itinuring ka rin niyang anak, Easy."

"Uhmm... nasaan pala si Tito?"

"This party is a surprise... buti na nga lang at nakarating kayo habang wala pa siya. Anyway, You looked beautiful today."

"Parang sinabi mo na ring hindi ako maganda. just kidding... Thank you."

"Pasok na muna tayo sa loob?"

Tumango lang siya sa akin bago kami sabay na pumasok since nasa Garden kami.

Pagkapasok namin ay sakto namang dumating si Janelle at Riko.

Naayos na kaya ni Janelle at Easy 'yung problema nila? Si Riko kaya? Psh -_- Sa rami ng mga bagay na gumugulo sa isip ko, Hindi ko na alam 'yung mga nangyayari sa mga kaibigan ko.

"Buti naman at nakapunta kayo." Bungad ko sa kanila.

Nginitian lamang ako ni Janelle bago sila nagkatinginan ni Easy.

Bigla naman akong inakbayan ni Riko at hinila palayo doon sa dalawa. I bet, may alam ang isang 'to.

"Kamusta ka naman?" Tanong nito as soon as makalayo kami sa kanila.

"A-ayos lang. Ikaw?"

"Much Better."

"Ano ba talagang nangyari?"

"Huwag na natin balikan 'yun. Ayos na ako. but hey..."

"Hmm?"

"I'm just asking this one okay? A-are you sure on her?"

"Sino?"

"Si Easy, Brad."

"Why?"

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon