Chapter 37 ♥♥

42 4 0
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Another Day again. At alam kong hindi na naman ito magiging normal para sa akin, ramdam ko namang may mangyayari ngayong araw eh.

Kahapon? Kahit naman pilitin ko pa ang sarili kong kalimutan 'yun, hindi ko magagawa. Kasi dumaan na 'yun, at naitatak pa sa isip ko 'yung mga napag-usapan namin.

Mag-isa ko lang rito sa bahay. Si Dad, as usual... nasa company niya. Si Mommy naman, makikipag-meet daw sa friend niya. Kaya heto, mag-isa ko lang rito at kasama ko lang 'yung mga katulong namin.

Nakaupo lang ako sa sala habang nanunuod ng kung anu-ano, pang-alis ng boredom. Habang nakaupo ako roon ay agad akong nilapitan nung katulong namin na isa.

"Ma'am, may gusto po ba kayong inumin, o kung ano man? Para po makuhanan ko po kayo." Magalang na sabi nito sa akin.

I smiled a bit before answering her.

"Uhmm, My Green Tea. It's enough."

"Okay, Ma'am."

Matapos iyon ay agad na siyang lumakad patungo sa kusina kaya naman muli kong ibinaling 'yung paningin ko sa TV. Pero ilang sandali lang ay biglang tumunog 'yung phone ko na nakapatong sa mini table sa harap ko.

Agad kong tiningnan iyon para makita kung sino 'yung tumatawag.

Moriel Calling...

Hindi ko maiwasang magtaka sa nabasa ko. Moriel is Calling me? Bakit kaya? Ilang araw na rin kasi siyang hindi nagpaparamdam.

I answered his call.

"Hello?"

[Easy.]

"Why did you call suddenly? Something wrong?"

[Uhm, Sort Of? Anyway, pwede ba tayong magkita mamaya?]

"Sure, Where?"

[I'll see you near the school campus. Mga 10:00 A.M I Think?']

"Okay. See you then."

[Me too.]

"Bakit nga pala hindi ka na pumapasok?"

[I'll explain in to you later, okay? I gotta go.]

"Okay, Bye."

Call Ended...

Napa-kibit balikat na lang ako ng ma-end na 'yung call. May nangyayari ba ngayon sa kaniya?

Ilang sandali lang ay dumating na 'yung katulong dala-dala 'yung green tea na ginawa niya.

I bowed my head a little before thanking her. I've been used to it since I was a kid. I think, mas polite tingnan?

Napatingin ako sa orasan ko. 9:15 na ng umaga, kaya naman pinatay ko na 'yung TV bago kinuha 'yung green tea at nagtungo sa pangalawang palapag, kung saan naka-locate ang kwarto ko.

Kailangan ko nang mag-handa para naman hindi ako ma-late sa meet-up naming dalawa. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nakikita ang isang 'yun kaya medyo nakaka-miss rin.

Well, para sa akin... naging tunay na kaibigan na ang turing ko sa kaniya. 'Yung naramdaman niya sa akin? At 'yung naramdaman ko para sa kaniya? Wala na 'yun. Tapos na 'yung bagay na 'yun.

Pero siyempre, hinding-hindi ko makakalimutan si Moriel. Malaki rin ang naging parte niya buhay ko.

- -

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon