Chapter 13♥♥

71 7 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Nang matapos na ang klase sa buong araw ay agad na silang nag-ayos ng kaniya-kaniya nilang gamit.

As soon as matapos ng mag-ayos si Riko ay agad na muna siyang lumapit kay Hard.

"Pre..."

"Oh?"

"Pakisabi naman kay Sir Ronaldo na hindi na muna ako pupunta sa office. May mahalaga kasi kaming pupuntahan ni Steve eh."

"Sige, Ako na bahala."

"Salamat."

Agad naman siyang lumapit kay Steve na kakatapos lang din mag-ayos ng gamit.

"Tara na?" Panimula ni Steve.

Tumango na lamang si Riko bago siya tuluyang lumabas sa kanilang silid-aralan.

Hindi napigilan ni Janelle na sundan ng tingin si Riko at tulad nga ng kaniyang naramdaman kanina, Ay parang may kung anong tumusok sa dibdib niya... sumasakit kasi ito.

- -

Maagang natawagan ni Steve ang driver nila at na-inform ito na bilisan ang pagpunta sa school kaya naman pagkalabas na pagkalabas ng dalawa sa campus ay agad na silang nagderetso sa sasakyan at pumasok na sa loob.

"Main." Sambit ni Steve at alam na naman ito ng kaniyang driver.

May kung anong naramdamang mali ang kaniyang driver dahil kamakailan lang... sa tuwing tatawagan nila si Steve na susunduin siya ng hapon ay tumatanggi ito. At lagi na rin itong maaga kong umuwi, hindi na ito dumederetso sa Lupin Bar o kung tawagin ng binata ay "Main."

Tahimik na lamang na nag-drive ang kaniyang driver patungo sa Lupin Bar... hindi naman ito kalayuan kaya mabilis lang naman silang nakarating.

- -

Nang makababa na ang dalawa ay kinatok ni Steve ang bintana ng kotse dahilan para buksan ito ng driver.

"Yes Sir?"

"Mauna ka nang umuwi... Take a rest for a while. Tawagan nalang kita kung kailangan naming magpasundo."

"Okay Sir."

Isinara na ng driver ang bintana at umalis na bago tuluyang pumasok sa loob ang magkaibigan. Habang naglalakad sila sa hallway ng bar ay marami na ang nangangamusta sa kanila since matagal naman nang kilala ang dalawa sa lugar na 'to.

Nang tuluyan na silang makapasok ay lumakad silang dalawa palapit sa bar counter at doon naupo.

"Long time no see Steve and Riko!" Sambit nang bartender ng bar.

Bartender : What for you?

Steve : Vodka

Riko : Anything Hard.

Bartender : Okay.

Nagsimula nang kumuha ang bartender ng alak sa stocks nila. Hindi naman nagtagal ay naibigay na sa kanila ang kani-kanilang inumin bago sila magsimulang uminom. Hindi naman babae ang habol nila dito kundi ay ang uminom para kahit papaano... ay mabawasan ang sakit.

"Hahaha! Sh*t! Hindi ko alam na sa maikling panahon, lalalim ng ganito 'yung nararamdaman ko para sa kaniya." Sambit ni Steve.

"Hahaha! Minahal natin sila ng sobra Brad eh! Para tuloy tayong tangang umiinom dito."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon