Chapter 18 ♥♥

43 7 0
                                    

- - Moriel's P.O.V - -

Ngayon palang, naka-ready na ang plano ko. Oo, alam kong sa makalawang-araw pa makakalabas ng hospital si Easy but it's not bad to start early hindi ba? Nandito ako ngayon sa garage sa tabi ng bahay namin. Nilinis ko na 'to kahapon pa, inalis ko na rin lahat ng nakatambak at inilagay muna sa isang tabi. Kahit papaano malawak naman 'tong garage namin kaya pwede na dito ang surprise ko.

Nakadikit na 'yung Banner sa wall. Kumbaga pagkabukas na pagkabukas mo ng pinto, makikita na agad 'yun.

"Eane Syra Castillo, I'm inlove with you." 'Yan yung nakasulat sa banner tas sa paligid non ay mga pictures niya.

Tapos naka-ready na rin 'yung balloons. 'Yung balloons, nakadikit na sa ceiling tapos may tali 'yun at sa tali nakadikit ang mga letters na gusto kong basahin at sundin niya. 4 balloons kasi 'yun. 'Yung isa nasa center nung pinto, yung dalawa nasa sulok ng garage, tapos 'yung huli nasa tabi nung banner. 'Yung Rose petals sa makalawa ko nalang ihahanda kasi baka masira lang 'yun kung ngayon pa. Plano ko kasi talagang pasayahin siya kumbaga surprise ko na 'to dahil nakalabas na siya ng hospital.

Sabi ni Mike (bestfriend ko na kaibigan din ni Easy) siya na raw bahalang umalalay kay Easy since may injury pa ito sa paa. Hay! Tapos na rin. Magpapahinga na muna ako.

- -

Nakaidlip ako sandali sa sofa na inuupuan ko kanina lang.

Time Check 5:30 P.M

Naalimpungatan ako sa biglang pagtunog ng phone ko. Sino naman kaya tumatawag?

~Calling
Easy
09*********

Hindi ko napigilang mapangiti sa biglaan niyang pagtawag, hindi ko expected 'to.

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

[Good afternoon and Soon to evening na rin Moriel.]

"Same to you, napatawag ka?"

[Nothing, wala lang talaga akong makausap. Wala kasing nagbabantay eh.]

"Ganoon ba? Do you want me to come?"

[H-ha? Hindi na... ayos na sa akin 'yung may kausap ako.]

"Seryoso ka ha?"

[Yeah.]

"So what do you want us to talk about?"

[Anything... Uhmm, actually I really want to tell you something.]

"What is it?"

[I've fallen inlove with someone.]

Then that kills me Inside.

- - Hard's P.O.V - -

5:15 ng matapos ang trabaho ko sa SC office tapos nakarating naman ako dito sa hospital ng 5:30 ng hapon.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay may kausap ito sa cellphone niya kaya hindi ko na muna siya ginambala.

"H-ha? Hindi na... ayos na sa akin 'yung may kausap ako."

Siguro si Janelle ang kausap niya since nagkaayos naman na silang dalawa.

"Yeah; Anything... Uhmm, actually I really want to tell you something; I've fallen inlove with someone."

Nang marinig ko ang bagay na 'yun biglang nanlambot ang buo kong katawan... Pinigilan ko na ang sarili kong tumingin sa kaniya, dahil natatakot akong mapansin niya 'yung pagbabago ng awra ko.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon