Chapter 1 ♥♥

315 26 4
                                    

- - Hard's P.O.V - -

"This is your last year in high school, students. And how I wish you guys will be a responsible students starting today. And because this is your first day in 4th year, I'll give you a chance to know each other more." Saad ng Adviser namin.

Matapos itong mag-salita ay napansin ko kaagad ang pagdako ng mga mata niya sa akin bago may ngiting namuo sa labi nito.

"Oh? Nandito pala ang ating Running for Valedictorian?"

Sabay-sabay na nagsi-tinginan ang mga kaklase ko sa akin. Nakaupo kasi ako sa tapat ng bintana sa pinakadulo.

Ako si Harry Dansel Alvarez, isa akong running for valedictorian at isa rin ako sa tumatakbo as SC president... sabi nila, Perfect guy na raw ako.

Kumbaga nasa akin na raw ang lahat.

Hindi ko alam kung paano nila nasasabi 'yun. Kasi kahit lahat ng bagay meron sayo pero ang ina mo wala na, hindi ka parin magiging perpekto, tsaka alam kong may mga bagay pa akong makukuha na hindi naman pala para sa akin talaga.

Lahat sila nakatingin, Bukod sa isang tao na sobrang laki ng galit sa akin.

Si Eane Syra Castillo, ang taong nakalunok ng megaphone, at ang taong walang tigil na ipinamumukha sakin na mas mataas siya.

Magkababata kami, Oo. Pero hindi kami kagaya ng ibang magkababata na halos hindi mapaghiwalay, kami 'yung tipo ng magkababata na kahit kailan...

Hindi nagkasundo.

Galit siya sa akin, Na halos gusto niya na akong patayin sa mga matatalim niyang pananalita. Galit siya sa akin dahil napupuri ako ng papa niya.

Pinapunta ako nung Adviser namin sa harap at lahat ng tao ay nagbulungan, ang iba naman ay tumitili... Na pinaka kinaiinisan ko sa lahat.

I hate FLIRT girls, and I hate FLIRTING with them. Di ako kagaya ng iba. I'm not judging them but they are showing it to everyone kaya aware ako.

Pero ganoon ang tingin niya sa akin, ganoon ang tingin sakin ni Easy.

"Good morning Everyone..." panimula ko, natigil ako ng magtilian muli sila. Nang hindi na masyadong maingay, ay nagtuloy na ako sa pagsasalita ko.

"So, I'm Harry Dansel Alvarez, 16 years old and I'm so happy to meet you guys." nakangiti kong saad.

Nagpalakpakan naman ang karamihan sa maikling Introduction na 'yon bago ako muling bumalik sa inuupuan ko.

Hanggang sa isa-isa na silang nagsalita sa harapan.

"Hi guys, Uhmm kilala niyo naman na akong lahat pero sa mga iba pang hindi... I'm Eane Syra or you can call me as Easy Castillo and I'm 15 years old, uhmm I wish makaclose ko ang lahat ng narito na ngayon lang ako nakilala o naging kaklase. Nice to meet you guys!"

Nagbigay siya ng isang ngiti sa lahat bago bumalik sa upuan nito.

Yes, she is one of the famous persons here in school dahil sa panlabas nitong anyo at ugali. Minsan naipapakita niya ang pagiging brutal pero sadyang... maganda siya kaya ayan, hindi na nila iniisip ang panloob niyang ugali.

Marami naman nang kumakausap sa akin sa school pero limited lang, hindi ako sanay makisama sa kanila eh. I'm not that socially healthy.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang pagsasalita ng mga estudyante sa harap. And since this is our first day, maaga silang nagpa-break time. That's the time na ikinagulat ko ang biglang pag-upo ni Easy sa kaharap kong upuan tsaka humarap sakin. Pag nandito siya, o basta malapit siya saakin nagtatayuan mga balahibo ko... para siyang halimaw.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon