Chapter 24 ♥♥

62 7 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Hindi na nila namalayan na nasa Manila na sila. Dala na rin siguro sa mahimbing na tulog nila sa byahe.

Naalimpungatan ang dalaga habang umaandar pa ang kotse. Alam naman nila na ang tungo nila ay ang paaralan bago roon maghiwa-hiwalay.

Sandali siyang napatingin sa cellphone niya. 6:12 na ng gabi.

Habang abala sa pagkakalikot sa phone nito ay biglang nag pop-up sa screen niya na may tumatawag.

Dad Calling...

She answered the call quickly.

"Hello, Dad."

[Nasaan na kayo anak?]

"We're already her in Manila, sa C.U na lang daw po magpa-part ways ang lahat."

[Ganoon ba? Okay. If you're already near the School, be sure to let me know at ako na ang susundo sa inyo ni Hard.]

"Got it, Dad. I'll hang up?"

[Okay Anak. Take care, bye.]

Call Ended...

As she ended the call ay napatingin siya sa katabi niya. He is sleeping peacefully at hindi matatago sa mukha ng dalaga ang ngiting iyon.

Ngunit, hindi parin siya mapakali. Binabalot na siya ng konsensya niya... bakit nga ba hindi na lamang siya magpakatotoo hindi ba?

Saglit siyang napailing bago muling ibaling ang paningin sa harapan.

"Kailangan ko na bang madaliin? Para kasing... kinakapos na ako sa Oras." Bulong nito sa sarili.

- -

Nasa paaralan na ang lahat. Mukhang hinihintay na lamang nila ang kaniya-kaniyang sundo. Na-inform naman agad ni Easy ang ama tulad ng utos ni Cesar sa kaniya. Ang kailangan na lamang nila ay maghintay.

Habang naghihintay ang dalawa sa parking ay biglang dumating si Moriel at lumakad papalapit sa kanila.

"Moriel, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ng dalaga.

He smiled at her first before answering her question.

"Pauwi na actually, want to ride in? Nandiyan lang ang kotse ko... Ihahatid ko na lang kayo." Yaya niya sa dalawa.

"Uhmmm. No need. Susunduin kami ni Daddy, Thank you but maybe next time?"

"It's okay."

"Anyway sorry... hindi na ako nakabawi eh. Sa susunod?"

Biglang nanlaki ang mata ni Hard, buti na lang at hindi iyon napansin ng dalawa.

'Anong babawi?' Bulong nito sa sarili.

"Ikaw na bahala. You keep on insisting. Ano nga bang laban ko sa iyo hindi ba?"

Nagkatawanan pa ang dalawa bago na namaalam si Moriel.

Hind nagtagal ay narinig na nila ang busina ng isang kotse kaya agad na silang lumapit roon.

Pumasok na ang dalaga sa kotse samantalang tinulungan naman ni Hard si Cesar sa paglagay ng maleta sa compartment.

- - Hard's P.O.V - -

Nakasakay na kami dito sa kotse ni tito Cesar. Deretso uwi na rin dahil panigurado pagod kami.

Habang umaandar ang sasakyan ay nagsalita si Tito Cesar, parehas kasi kaming nasa back seat ni Easy.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon