Chapter 21 ♥♥

43 8 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Balik eskwela na rin si Easy since monday na.

Kahit papaano ay naalis na rin ang cast sa paa niya pero hindi parin siya makalakad ng maayos, ilang araw pa bago bumalik sa normal ang paglakad niya.

Kakatapos lang nilang kumain ng breakfast, ihahatid naman sila ni Cesar sa eskwelahan.

"Ayos ka lang ba talaga anak?" Tanong ni Yuhiro sa anak nito.

"Yes mom, I can manage." She smiled at her mom before saying goodbye.

Inalalayan naman ni Hard ang dalaga sa pagpunta nila sa sasakyan.

Nang makapasok na silang dalawa sa sasakyan ay agad na itong pinatakbo ni Cesar.

--------

Mabilis din naman silang nakarating sa C.U. Muling inalalayan ni Hard ang dalaga sa pagbaba nito sa sasakyan at nagboluntaryo na rin siya na siya na lamang ang magbuhat sa bag ng dalaga. Pumayag naman si Easy kahit papaano.

Ngunit bago sila umalis ay kinausap muna sila ni Cesar.

"Take care Nak." Saad niya.

He leaned forward to her daughter and kissed her forehead.

Then he tapped Hard's shoulder.

"Paano Hard? Ikaw na ang bahala sa anak ko ha?"

"Okay po tito."

Sumakay na muli si Cesar sa kaniyang sasakyan at pinaadar ito bago umalis hudyat para pumasok na ang dalawa sa campus.

"Sorry Hard, naabala pa ata kita."

"Don't worry. I'm okay."

Sandali silang nagkatinginan ngunit agad din naman silang napaiwas ng tingin.

Hindi parin maalis sa isip ni Hard ang gabing iyon.

Nang makarating na sila sa classroom ay agad na niyang ipinatong ang bag ni Easy sa upuan na ito at inalalayan siyang umupo.

"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ni Easy sa binata.

He smiled a bit before answering.

"Kailangan ko pang ipasa kay sir Ronaldo 'yung report ng activity for the month of october. I need to go."

"Ingat ka."

"Ikaw ang mag-ingat. Huwag ka maglakad ha? Baka sumakit pa 'yang paa mo."

She nodded as a response. Umalis na rin agad si Hard sa classroom nila at nagtungo sa SC Office.

Nadatnan niya roon ang mga kaibigan, si Janelle At Riko.

"Good morning!" Bati ng dalawa sa kaniya.

"Good morning." Bati niya sa kanila bago naupo sa table nito.

"Kamusta na si Easy? Pumasok ba siya ngayon?" Tanong sa kaniya ni Janelle.

"Ayos na siya, medyo hindi pa siya makalakad ng maayos and... Yes, pumasok siya ngayon. Nandoon na siya sa classroom."

"Good."

Nagkangitian silang dalawa bago harapin ang kaniya-kaniya nilang trabaho.

Hanggang ngayon lutang parin ang utak ng binata dahil sa 'ARAW' na 'yun.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon