Chapter 38 ♥♥

43 5 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

As his usual routine, maaga na naman itong nakarating sa paaralan nila para gawin ang araw-araw nitong trabaho.

At tulad ng dati, siya ang pinaka-unang officer na dumarating kaya siya na ang nagbubukas ng pintuan ng SC Office.

Pero may nagbago sa kaniya ngayon. At 'yun ay ang nararamdaman niya.

Ilang araw na itong naghintay para mabuo ang desisyon sa isip at puso nito. Ilang araw ang ginugol niya para pag-isipan ng maayos ang bagay na iyon at iisa lamang ang sagot.

Mahal nito ang dalaga at hindi na nito iisipin pa ang mga maaaring mangyari. Gusto niyang subukan kahit na alam nating masasaktan lang siya sa huli.

Habang naglalakad ito patungo sa classroom nila dahil tapos na ang trabaho niya ay agad itong napatigil ng makatanggap siya ng text mula kay Easy.

From: Easy
~have you seen Angela? Hard... she needs you.

Nanlaki ang mata ng binata sa nabasa kaya agad itong tumakbo para hanapin ang dalaga.

Wala na siyang pakealam pa kung mahuli siya sa unang klase niya, ang mahalaga ay mahanap niya ang dalaga.

Alam niya na hindi biro ang mensaheng iyon ni Easy sa kaniya kahit na wala itong ideya sa nangyari.

Sa kaniyang paghahanap ay nakasalubong niya ang ilan sa mga kaibigan nito na mukhang papunta na sa classroom nila.

Agad siyang hinawakan ni Riko sa braso dahilan para mapatigil ito.

"Where are you going? Is there something wrong?" Tanong nito sa kaibigan.

"I'll explain it later." Matipid na sagot sa kaniya ni Hard bago ikalas ang pagkakahawak ni Riko sa kamay niya at tumuloy na ito sa pagtakbo.

Hindi nila maiwasang magtaka pero kilala naman nila ang binata at alam nilang may mahalaga itong gagawin.

Narinig na nila ang tunog ng bell bilang sign na nagsimula na ang klase. Pero hindi ito dahilan para matigil ang binata sa paghahanap kay Angela.

Sa tagal nitong paghahanap ay tsaka na lamang niya nakita ang dalaga nang makarating ito sa likod ng paaralan which is 'yung garden na hindi madalas puntahan ng mga estudyante.

Nakita niyang nakaupo at nakatungo ang dalaga roon kaya hindi na ito nagdalawang-isip pa na lapitan siya.

"Are you okay?" Tanong nito as soon as malapitan niya si Angela.

Agad niyang ini-angat ang paningin para makita ang binata at bahagya niya itong nginitian.

"Do I deserve to be okay?" Sagot nito.

"What's wrong?"

"Hard. Tama lang naman ang ginawa ko hindi ba? Pinaalis ko siya? P-pinalayo ko siya buhay ko? Ako lang naman ang rason... kung bakit n-nasasaktan siya eh."

"Bakit mo siya pinaalis? Kung alam mong... masasaktan ka rin?"

"Yun lang ang kaya kong gawin para sa kaniya. I can't do anything for him. Ito lang..."

Sandaling tumigil ang dalaga ng biglang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Is this... the end?" Dagdag nito.

Inilapit ni Hard ang sarili sa dalaga bago niya isinandal ang ulo nito sa balikat niya. Matapos iyon ay hinagod niya ang likod ni Angela.

"God never wrote sad endings. He only writes happy ending and if at this point you're not happy, It means, its not yet the end." Sabi nito sa dalaga.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon