Chapter 50 ♥♥

60 2 3
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

"Congratulation, Graduates!" Saad ni Nicko na MC sa ginawang graduation ng mga estudyante.

Malakas na palakpakan ang nanaig sa buong paligid nila. Ang ilan sa kanila ay hindi maiwasang maiyak habang isa-isang nagyayakapan.

'Yung iba, halos ayaw nang umalis sa kanilang pwesto at ang tanging gusto na lang ay manatili roon.

May mga estudyante rin na agad na nilapitan ang mga gurong napamahal na rin sa kanila.

Samantalang parehong nakatayo si Easy at Hard sa pwesto nila, which is magkatabi lang.

Hindi magawang ngumiti ni Easy, at hindi magawang tingnan ni Hard ang dalaga.

Ngunit alam ng dalawa na ito na 'yung huling araw na magkikita sila, na magkakausap ng personal. Dahilan para huwag nang palampasin pa ng dalaga ang pagkakataon.

Agad siyang nagsalita.

"Congrats... Natapos mo 'yung journey mo as an highschool student." Mahinahon na saad nito ngunit rinig sa tono ng boses niya na nasasaktan ito.

Agad naman siyang hinarap nang binata at tsaka nginitian, ngiting may halong sakit.

"Sayo din. Congratulation."

"So... Paano? Huli na talaga 'to?" Kasabay nito ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ng dalaga.

"We... Need to end it. Thanks, sa mga alaala." Pagpipigil ni Hard na mapaluha na rin.

"... Ang raming nangyari, ang rami nating pinagdaanan. Halos gusto ko nang ipagmalaki 'yung sarili ko kasi sobrang tatag ko. Pero, dumating 'yung araw na 'to... Na sumuko na rin 'yung puso ko. Easy, tandaan mo... Wala akong ibang pangarap kundi ang maging masaya ka. Kaya sana, makahanap ka nung taong magpapatunay sayo ng tunay na pagmamahal. At mananatili sa buhay mo, habang buhay."

Hindi na nag-dalawang isip pa si Easy na yakapin ang binata at kasabay nito ang paghagulhol niya sa bisig ni Hard.

Napaiyak na rin ng tuluyan ang binata bago niya yakapin pabalik ang dalaga ng sobrang higpit. Na akala mo ay may sarili silang mundo.

Hindi na inabala pa ng kanilang magulang na tawagin sila, alam nila ang nangyari sa relasyon ng dalawa at alam nila na huling pagkakataon na 'to para sa mga anak nila.

Pero si Nicko na ang gumawa ng paraan, dahil alam niya na mas masasaktan ang dalawa pag hindi pa nila binitawan ng isa't-isa.

Lumapit na si Nicko kay Hard at kinuha niya ang atensyon nito.

"Hard, Let's go." Bulong nito.

Malungkot ang mga mata ng binata ng tingnan niya si Nicko bago ito tuluyang bumitaw sa babae.

Pero bago ito umalis ay sandali niyang ipinatong ang kamay niya sa ulo ni Easy. He ruffled her hair before smiling at her.

"Goodbye." He gave her a last kiss on her forehead before leaving that place.

Sign... That it was the end of everything.

- -

Inuwi na ni Nick ang toga, Diploma at mga awards nang anak niya.

Samantalang, nagkayayaan naman si Nicko at Hard na mamasyal muna.

Magiging huling pagkakataon na rin 'to sa kanilang dalawa na magkasama. Dahil napag-planuhan ni Hard na pumunta ng New York at doon na mag-aral ng College.

Si Nicko lang at ang tatay niya ang may Alam. At bukas na ang lipad nito paalis ng bansa nila.

Ayaw ipaalam ng binata sa mga kaibigan ang tungkol rito dahil baka maging dahilan pa iyon para hindi siya matuloy.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon