Chapter 25 ♥♥

49 6 0
                                    

- - Easy's P.O.V - -

"Sawa na akong masaktan."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Bakit parang bigla akong natamaan. 'Yung dibdib ko, may kung anong kabog roon ang nararamdaman ko.

May alam na ba siya tungkol sa plano?

Ilang sandali lang ay nagsalita ulit siya.

"Nasaktan na ako sa narinig ko tungkol kay Mama, nasaktan na rin akong isipin na isa ako sa dahilan. Ngayon, sa tingin ko masasaktan ulit ako pag nakita ko na ang mga magulang ni mama."

Habang nakatingin ako sa kaniya ay walang nagbago sa ekspresyon ng mukha nito.

Ganoon parin, malungkot.

Pero ayaw mag sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Dahil sa sinabi niyang sawa na siyang masaktan.

Parang ayaw ko na rin siyang saktan. Kasi pakiramdam ko mahal ko na siya.

I think I just need to go with the flow. Kailangan ko na yatang sundin ang sinasabi ng puso ko. Pero... naguguluhan pa rin ako.

May part sa akin na gusto pa 'tong ituloy dahil ilang steps nalang makakabawi na ako sa kaniya pero may part parin sa akin na gusto ko nang itigil.

Ni hindi ko nga sure kung mahal ko na talaga siya eh, kasi parang nasanay lang talaga ako sa presensya niya at hanggang doon lang 'yun.

Umiling ako bago tumayo dahilan para mapatingala siya sa akin.

"Gabing-gabi na, inaantok na ako. Hindi ka pa ba inaatok?"

"Hindi pa eh. Thanks sa time, I really appreciate it. Sige na matulog ka na."

Tumango na lang ako bago tuluyang umalis sa lugar na 'yun.

Actually, hindi pa naman ako inaantok talaga. Na-refresh lang 'yung utak ko at medyo naninikip na naman kasi dibdib ko.

Natatakot akong magmahal. Hindi ko alam kung bakit pero nang makarinig ako at makabasa ako ng iba't ibang uri ng story... lahat nasasaktan at umiiyak.

Wala bang nagmamahal na hindi umiiyak at nasasaktan? 'Yung masaya lang. Wala ba talagang ganoon.

Nandito na ako sa kwarto ko. Dumeretso agad ako sa kama at doon na naupo nang hindi ko ino-on 'yung ilaw.

Pagkaupo ko , may luhang pumatak mula sa mga mata ko. Ano na naman 'to? Lumuha na naman ako ng walang dahilan? O sadyang clueless lang talaga ako?

Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa mga mata ko bago nahiga sa kama.

Hindi pa ako inaantok pero mukhang kailangan ko na ng pahinga. Kailangan ko ring ipahinga ang utak ko. Masyado na akong nag-iisip.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit na makatulog.

- -

Maaga akong ginising ni Mommy dahil maaga daw kaming magkikita ni Mrs. Olivares.

Nandito kaming lahat sa dining Area, kumakain ng breakfast.

Medyo nawala na ang ibang gumugulo sa isip ko sa simpleng pagtulog na 'yun.

Sandali akong napatingin kay Hard na tahimik kumakain sa harapan ko. Still, There is the sadness in his Eyes. Kakayanin niya naman sigurong harapin si Mrs. Olivares. Natatakot lang siya ngayon pero kilala ko siya, hindi siya ganoon ka-fragile.

Mabilis lang akong natapos sa pagkain ng breakfast. Loaf bread with Jam and tea lang naman ang agahan namin ngayon.

"Dad, Mom. Una na muna po ako sa taas? Magbibihis na po ako." Paalam ko.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon