Chapter 43 ♥♥

39 3 0
                                    

- - Hard's P.O.V - -

"As if they will eat you, Hard. Matagal mo ng kilala si Mom and Dad." Saad ni Easy.

Kasalukuyan kaming nakasakay at on the way na sa bahay nila Easy.

Hindi ko pinansin 'yung sinabi niya dahil sobrang kabado ako. Pero agad akong napatingin sa kaniya ng bahagya niyang pisilin 'yung kamay ko na kasalukuyang hawak-hawak niya.

She just smiled at me bago muling ibaling ang paningin sa ibang direksyon.

Ano bang magagawa ko kung hindi ko naman mapigilan 'yung sarili kong kabahan, hindi ba?

Siyempre, haharap ako sa mga magulang niya na hindi tulad ng dati. Haharapin ko sila ngayon bilang boyfriend ng anak nila.

"Buti ka pa, hindi ka kinakabahan." Saad ko.

Hindi ko siya kayang tingnan... hindi dahil sa ayaw ko, kundi nahihiya ako.

Medyo naa-awkward pa ako sa kaniya compared kanina. Ganito ba talaga kapag unang beses mong pumasok sa isang relasyon? 'Yung tipong nahihiya ka sa kaniya.

"As if. Kabado din ako no! B-boyfriend ko kaya 'yung ipapakilala ko sa parents ko."

In instant, napangiti ako ng mautal siya sa word na Boyfriend. Alam ko na nahihiya rin naman siya, Pareho lang kami ng sitwasyon ngayon.

Hindi nagtagal ay nakarating rin kami sa bahay nila. Nauna siyang lumabas ng kotse at tsaka ako sumunod. Agad naman kaming nag-deretso sa loob ng bahay nila.

Medyo naninibago ako dahil matagal na rin akong hindi nakaka-bisita rito.

Dumeretso kami sa sala ng bahay nila at doon naupo.

"May gusto ka bang meryendahin muna? Para maihanda nila yaya." Tanong nito sa akin.

I just smiled at her bago umiling.

"Drinks will do."

"Okay." Then she smiled at me.

Sandali lang niyang kinausap 'yung isa sa katulong nila bago ako muling hinarap.

"Anyway, I'm curious about something." She asked.

"Ano 'yun?"

"Nagtataka lang ako... ano bang Connection ni Sir Nicko sa inyo? I know how close the both of you pero nagulat ako nung kasama siya sa family party kahapon, tapos doon pa natulog sa inyo."

Bahagya akong napatawa sa tanong na iyon sa akin ni Easy. Mahirap nga namang maintindihan kasi ang alam lang nila, teacher ko lang si Sir Nicko... but they don't know the whole story.

Ilang sandali lang ay dumating na 'yung Drinks na pinagawa ni Easy and nang maka-alis na 'yung katulong rito ay tsaka ako nag-kwento sa kaniya about kay Sir Nicko.

At dahil sa nagke-kwento na rin lang ako... kwinento ko na 'yung buong nangyari. Umingay na naman ako.

Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagku-kwento ay biglang nagsalita 'yung isa sa katulong nila.

"Ma'am Eane, Sir Harry... nasa Dining area na po si Mister and Misis Castillo. Hinihintay po nila kayo." Sunod-sunod niyang sabi bago tuluyang umalis.

Sabay kaming nagkatinginan ni Easy dahilan para lalo akong kabahan. Ilang sandali lang ay tumayo na siya at sandali akong nilapitan.

Inabot niya ang kamay ko bago nagsalita.

"You can do it... Ikaw si Hard. Let's go?" Saad nito.

Hindi na ako sumagot. Tumayo na lang ako bago sabay na lumakad papunta sa Kusina ng bahay nila.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon