Chapter 49 ♥♥

44 2 2
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Abala na kaming lahat sa practice for our graduation, isang linggo na lang kasi... ga-graduate na kami.

Lahat ng fourth year students, nasa grounds na... hinihintay na lang namin 'yung teachers na mangunguna sa amin.

Habang magkatabi kami ni Janelle sa bench rito ay kinausap niya ako.

"Umiiwas pa rin?" She asked.

Kahit naman na hindi niya sabihin kung sino, alam mo na kung sino 'yung tinutukoy niya.

I faced her before smiling at her bitterly then looked down.

"Oo..."

Yes, iwas pa rin sa akin si Hard at hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos. Mag-iisang buwan na ring naging kami... pero sa akin, parang tapos na kung anong meron sa amin.

"Hindi ko na nga talaga 'to maaayos, Bruu."

"Ano ka ba? Huwag ka ngang mawalan ng pag-asa... Maiintindihan niya rin 'to. I Swear."

"Paano kung hindi? Paano kung bigla na lang niyang tapusin lahat?"

"Please think positive, Easy. Paano ka magiging matatag kung ganyan na 'yung mga iniisip mo?"

I just heaved a sigh before looking at his direction. Nakaupo lang siya sa isang pwesto na walang kasama o kausap.

Should I go there and approach him? Or should I stay here and just watch him? I'm afraid... to get rejected.

Naramdaman ko na lang na may biglang humawak sa kamay ko. Si Janelle.

She just smiled at me.

Hindi nagtagal ay nagsi-dating-an na rin lahat ng teachers at nagpunta na sa stage.

"Go to you designated seat." Saad ni Sir Raymond.

May nai-assign naman na sa aming upuan last week kaya alam na namin kung saan ang pwesto namin.

Magkatabi lang din kami ni Janelle dahil magka-sunod lang kami sa Rankings. Salutatorian ako tapos siya naman ang 1st honorable mention.

And I feel so awkward nang makaupo ako. Because he is at my side... siya ang Valedictorian namin.

Hindi niya ako tinitingnan, pero ako... hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya.

Gusto kong kunin 'yung atensyon niya pero ayaw gumalaw ng katawan ko... ni Walang lumalabas sa bunganga ko, para ba akong napipi sa lagay ko ngayon.

Agad akong napatingin sa harap ng may marinig akong mag-Psst.

Si Sir Nicko. He bitterly smiled at me, at alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Huminga na lang ako ng malalim tsaka pinigilan ang sarili na mapatingin kay Hard.

He is still mine, but I can't feel it anymore. Because of my stupidity.

Ilang sandali lang ay nagsimula na kami sa practice.

---

Papasok na sana ako sa building kung saan naka-locate 'yung room namin kaso bigla akong natigil nang may humawak sa wrist ko.

Pagkalingon ko ay agad niya akong nginitian at hinila palayo roon.

Hindi naman na ako nag-pumiglas dahil alam ko na may mahalaga siyang sasabihin sa akin. At kung ano man 'yun, wala ako ideya.

Nagtungo kami sa likod ng building tsaka niya ako muling hinarap.

"Hindi ka pa rin niya kinakausap?" Tanong nito sa akin.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon