Chapter 27 ♥♥

70 10 6
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Mabilis na lumakad ang araw. Lunes na ngayon.

Kakarating lang ng binata sa paaralan samantalang kakasundo palang naman ni Moriel sa dalaga.

Habang hinihintay ni Moriel ang dalaga sa labas ng bahay nila ay hindi tumitigil sa pagpasok sa isip nito si Angela. Lalong-lalo na ang pangyayari sa Batangas Team building nila.

Sandali siyang umiling bago ituon ang pansin sa gate sabay ng paglabas roon ng dalaga.

"Let's Go?" Sambit ng dalaga.

Napangiti ang binata bago pagbuksan ng pintuan ng kotse ang dalaga.

Pagkapasok roon ni Easy ay biglang napangiti ang binata. Ramdam niya kasi ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Lumakad na siya papunta sa pintuan ng Driver's seat bago pumasok roon.

"Sorry for being late... naghintay ka pa ng matagal." Pagpapaumanhin ni Easy sa kaniya.

He started the engine first before answering her.

"No need to say sorry. Ako ang nag-insist and for that, I thank you for letting me."

"Hmm... I thank you too."

Nanahimik na ang dalawa habang umaandar ang kotse.

Hanggang ngayon, binabagabag parin si Easy dahil kay Hard. Hindi pa siya sanay na wala ang binata sa bahay nila.

Napabuntong hininga na lamang ito bago ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.

'Kamusta na kaya siya? Nasa school na rin kaya siya?' Tanong ng dalaga sa sarili.

"Ang lalim ng iniisip ha?"

Ikinagulat ng dalaga ang biglaang pagsalita ni Moriel.

"Anong iniisip mo?" Dagdag nito.

Umiling na muna ito bago sumagot sa kaniya.

"Nothing... Not just in the mood. Sorry."

"Ayos lang."

"Uhmm Moriel? Can I ask you something?"

He looked at her for a while bago sumagot.

"What is it?"

"Bakit sa rami ng babae... ako pa? You know how evil my attitude is and yet you are doing this. You are doing to much effort, hindi man lang ako makabawi sayo."

"Siguro nga hindi maganda ang ugali mo. But I know, hindi 'yan ang tunay na ikaw. I can see how fragile you are, kung gaano ka kabait and I loved that. Kaya nagagawa ko 'to... kasi pakiramdam ko, pag kasama mo ako... lumalabas 'yung tunay na Eane Syra Castillo at masaya ako para doon..."

Hindi alam ng dalaga ang isasagot niya rito kaya pinilit na lamang niyang manahimik at makinig sa sasabihin sa kaniya ng Binata.

"Kasi nakikita ko 'yung mismong ikaw. Kasi kung iisipin mo, kakaiba ka sa lahat ng babae. Yeah, you have that devilish attitude but still, I know deep inside... you are a good person."

Napangiti na lamang si Easy at muling ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang dalawa sa paaralan. Agad na bumaba ang dalawa sa sasakyan as soon as maiparada iyon ng binata sa parking lot.

Sabay na silang lumakad papunta sa flag pole area kung saan iche-check 'yung attendance nila.

"Excited ako for this day." Masiglang saad ng dalaga.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon