Chapter 31 ♥♥

82 7 2
                                    

- - Easy's P.O.V - -

Medyo dumidilim na 'yung paligid, kung sa bagay 5:30 na rin kasi ng hapon.

Kaninang Kumakain kami ng Lunch, katabi ko si Moriel pero ang pale ng mukha niya. Hindi nga niya ako pinapansin kanina eh, nung tiningnan ko naman si Angela, namumugto naman 'yung mata niya... alam ko naman na dahil 'yun sa pag-iyak. Pero kanino? Eh ang huli niyang kasama, si Moriel?

Nakaupo lang ako sa buhanginan habang tinitingnan 'yung pagbaba ng araw, ganitong oras kasi ang sunset rito.

Habang nakaupo ako doon, napansin ko na lang na may biglang umupo sa tabi ko kaya naman napalingon ako roon.

Si Moriel.

"Ang lalim ng iniisip ha?"

"Hindi naman. Ikaw? Bakit ang tamlay mo?"

Sa sinabi kong iyon ay bigla siyang umiwas ng tingin sabay ng pagtungo nito.

"I have something to tell you."

"Ano 'yun?"

"I... I want to stop."

Stop? Para saan?

"Hmm?"

This time, tiningnan niya ako deretso sa mata at nakita ko ang pamumuo ng luha nito. What happened??

"Akala ko... 'tong nararamdaman ko para sayo, magtatagal. Marami akong nasabing katotohanan sayo, tungkol sa nararamdaman ko para sayo. Hindi ka naman ganoon kahirap mahalin Easy, pero siguro nagpadala lang talaga ako sa nakikita ko."

Mas pinili ko na lang manahimik habang nakikinig sa kaniya.

"Nakikita kong masaya ka kapag kasama mo ako, kaya iniisip ko... siguro, mahal mo na rin ako. Pero in the first place pala, ako 'yung hindi nagmamahal sayo. Easy, gusto pa kitang mahalin lalo, gusto ko pang humawak at lumaban. Pero alam mo? Nakulong lang ako sa isang kasinungalingan..."

"...kumapit ako sa bagay na alam ko lang at hindi ko nararamdaman. Pag kasama kita, nagugulo mo 'yung sistema ko. Pero pag kasama ko siya, pinapatigil niya 'yung oras ko. Titigil ako sa panliligaw kasi ako 'yung mali. Mismong mahal ko 'yung tinalikuran ko para paniwalaan 'yung mga bagay na nakikita ko lang."

Nasaktan ako... hindi dahil sa mga sinasabi niya, kundi dahil nakikita kong lumuha siya.

Mabilis na lumabas sa mga mata niya 'yung mga patak ng luha kaya agad ko iyong pinunasan gamit ang daliri ko.

Ilang sandali lang ay hinawakan niya 'yung kamay ko at inilayo sa mukha nito bago niya hawakan gamit ang dalawang kamay. He's still crying.

"I'm too stubborn to hurt her, ang tanga ko para iwan siyang umiiyak at nasasaktan. Easy, You can understand me why am I doing this right?"

Tumango ako sa sinabi niyang iyon.

"I really don't know how to win her back. Siya na mismo ang nagpapasuko sa akin. Is it the right thing to do? Sukuan ang taong mahal mo?"

Hindi na ako nanahimik kundi sumagot na ako sa tanong niyang iyon.

"Why are you going to let go the person who you love? Hindi ba't mas stupid na gawin pa 'yun? You know, hindi ka naman ganoon kahirap mahalin Moriel eh. Iba ka kasi, Ideal boyfriend ka. Letting go someone means hindi mo kayang ipaglaban 'yung nararamdaman mo para sa kaniya, hindi mo kayang ipagmalaki na kahit masakit, kakapit ka. You love her? Then fight for her kahit na siya na mismo magpasuko sayo."

hindi na siya sumagot kaya wala na akong ibang magawa kundi ang lumapit sa kaniya at yakapin siya.

Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko sabay ng pag-iyak nito.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon