Chapter 3 ♥♥

161 15 0
                                    

- - Hard's P.O.V - -

The next day is just simple as well. Same routine, 'yun nga lang medyo nalate ako ng gising kaya kailangan kong magmadali.

"Mukhang napuyat ka ata Harry?" Tanong ni Tita Yuhiro sa akin, Mama ni Easy.

Tanging ngiti na lang 'yung naibigay ko sa kanila habang kumakain kami ng agahan.

"Huwag mong masyadong stress-in sarili mo anak. Kakasimula palang kaya ng klase." Saad naman ni papa na kasalukuyan kong katabi.

"Okay lang po ako, hindi ko lang po namalayan 'yung oras kagabi habang nanunuod ako." Sagot ko naman.

Napansin ko naman ang bigla nilang pagtawa, syempre... aasa pa ba akong papansinin ako ni Easy.

"Naku Hard... may pasok na. Mukhang nakabakasyon ka pa ata?" Pagbibiro ni Tito Cesar para matawa rin ako.

Nang maibaling ang paningin ko kay Easy, nakatingin lamang 'to sa akin ay nakataas ang isang kilay at nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya ay bigla niya akong kinusilapan. Hindi ko na lang pinansin.


Maaga rin naman akong nakarating sa school, inihatid naman kami ni Tito kahit papaano.



Bago pa magsimula ang Klase ay nagbasa na ako ng mga Outlines na naka-note sa notebook ko.



Mas huling dumating si Easy kahit na sabay kaming pumunta dito sa school.



Babalik na sana ako sa pagbabasa ko ng lumapit sa akin ang bestfriend ko.



"Wow lang ha? Matalino ang kaibigan ko! Samantalang ako... Boom!" Saad niya.

"Tsk! Istorbo!" Sagot ko.

"Pre, may nabalitaan kasi ako ngayon."

"Hindi ako interesado."



Bigla niya akong binatukan.



"Wala akong pake kung hindi ka Interesado. Basta, Iku-kwento ko..."



Pinabayaan ko na lang siyang magsalita.



"May new classmate daw tayo. Transferee... Sana naman kung maganda, hindi na malandi tulad ng mga babae dito... Diyos nawa."



This time ako naman ang nambatok sa kaniya.



"Alam mo ikaw? Babae lang talaga habol mo no?"

"Ehh bakit ba? Ehh doon ako nabubuhay eh."

"Ewan ko sayo, babaero!" Saad ko at nagbasa ulit.


"Aray ha? Ma'hart ma'soul. Bahala ka na nga diyan. KJ!" Sagot niya naman.

Napangiti na lang ako.

- - -



Dumating na 'yung adviser amin na may kasamang estudyante.


Babae siya, pero unang tingin mo palang... alam mo nang iba siya sa mga babae dito.


Simple siya.


medyo maliit siya, maikli ang buhok at may side bangs. Nakatirintas ang buhok nito sa kaniyang likod.


Pagpasok niya ay agad na nagbulungan ang lahat.


Ang iba nakangiti, ang iba mukhang jinu-judge nanaman nila.


Habang tinitignan ko 'yung transferee... napatingin ako kay Easy na may kung anong isinusulat sa notebook niya.


The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon