Chapter 2♥♥

175 19 1
                                    

- - Hard's P.O.V - -

"Okay Class, Today..."

Patuloy lang na nagsasalita 'yung adviser namin sa harap.

Nakikinig naman ako kahit papaano, kaso feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw eh. Hindi ko lang alam kung ano 'yun.

"...Just a minute."

Ilang sandali ay may tumawag na isang parent sa kaniya kaya nag-paalam muna siya sandali bago pumunta sa may pintuan.

Napatingin nalang ako sa tapat ng bintana namin. Nasa 4th floor naman ang room namin kaya ang nakikita ko lang ay ang mga puno at ulap.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya at nagpatuloy sa pagsasalita sa harapan.

"Sorry for that guys. Anyway, As I was saying... Today we are going to elect our classroom officer. How I wish that the person who will be nominated is Trusted. So Let's start our nomination? Any nomination for the position of President?"

Marami ang nagtaas ng kamay.

"I respectfully nominate Ms. Eane Syra Castillo." Saad ng isang lalaki, Well she Deserves to be the President.

But looking at her? That position is not enough for her.

"Sir, I respectfully nominate Mr. Moriel Cerera."

"Any other nomination?"

Ilang sandali lang ay may nagtaas ng kamay.

"Sir, I respectfully close the nomination."

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Easy ng isara na ang nomination.

I really don't expect that someone will nominate me for that position.

"Who want Ms. Eane Syra Castillo to be the president?"

Walang pagtataka, Halos lahat nagtaas ng kamay. Including me.

Out of 35 students, 22 ang nagboto sa kaniya. No need to ask kung gaano karami ang kay Moriel.

At last, Si Easy ang President ng Klase. At si Moriel naman ang naging Vice President.

Pumunta sa harap ang Pres. At Vice para mag-speech.

Bago pa magsalita si Easy. Tinignan niya ako ng matalim at ngumiti ng parang nang-aasar.

Bakit ako papa-apekto? Hindi ko naman kailangan ang pagiging President eh. Basta makatapos ako, ayos na.

Nagsimula na silang magsalita sa harap hanggang sa natuloy na ang Election.


- -


Pagkalabas ng iba naming kaklase ay bigla niya akong in-approach.

"Oh? Baka umiyak ka ha? Sa wakas ako na ang nanguna ngayon..." Ngumiti ito ng nakakaloko bago nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita.

"Sana matalo ka rin as SC President, How I wish." Dagdag niya.

"Bakit naman ako iiyak?" Sarcastic na pagkasabi ko.

"K-kasi ako na ang nangunguna ngayon."

"So?"

"Hey! Huwag mo nga ako inii-snob!"

"Anung gusto mo? Patulan pa kita? Dapat nga hindi mo na ako ginugulo kasi President ka na ng classroom."

"Eh diba... gustong gusto mo naman na pinupuri ka ni Dad?!"

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon