Chapter 39 ♥♥

33 4 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Mabilis na lumipas ang ilang araw. Naging malinaw na rin kay Hard ang koneksyon ni Nicko sa pamilya nito na naging daan para mas lalo pa silang mapalapit sa isa't-isa.

Mas naging kumportable na rin si Easy kay Hard sa mga araw na nagdaan. Ni hindi na sumagi pa sa isip niya ang plano nito. Basta masaya siya na kasama ang binata. Malaki na ang pinagbago ng lahat. Ngayon pa lang ay lalo nang nagpupursige ang binata sa panliligaw kay Easy.

Hatid-sundo na nito ang dalaga kahit pa na may sariling driver at sasakyan si Easy, tinutulungan niya ito lagi sa mga bagay-bagay, laging sinasamahan kapag nag-iisa ito at marami pang efforts ang ginagawa niya. Mas pinili na rin ni Riko at Janelle na manahimik na lang sa mga nalalaman nila pero kahit na hinayaan na nila ang dalawa ay hindi pa rin nila maiwasang mag-alala.

"Well, pansin naman na masaya na sila. Kahit na wala paring matatawag na 'SILA'... But do you think, hindi na talaga iyon itutuloy ng bestfriend mo? Hindi ko rin naman kasi maiwasang mag-alala kay Hard dahil pansin namang seryoso siya kay Easy eh." Tanong ni Riko sa Nobya.

She shrugged.

"I hope so. Alam ko na nasasaktan rin si Easy sa ginagawa niya. Siguro, nakita niya na 'yung sinseridad ni Hard for her." Sagot nito.

"Sometimes, pakiramdam ko nagugustuhan ko na si Hard."

Agad na napatingin si Janelle kay Riko nang magsink-in sa utak nito ang sinabi ng binata.

"What did you say?!" May gulat sa tono ng tanong ni Janelle na iyon.

Bigla namang natawa si Riko sa reaksyon niyang iyon.

"Ito... sa kakanuod mo ng anime, kung anu-ano na ang iniisip mo. What I mean, Miss Sabado... nagiging Idol ko na siya. Kasi tingnan mo... hindi niya matatago sa atin na may Ideya na talaga siya. Pero hinahayaan niya na lang at ine-enjoy niya na lang na kasama niya si Easy."

"Sinisi pa niya 'yung mga pinapanuod ko. Eh mali nga 'yung pagkasabi mo eh."

Natawang muli si Riko doon bago niya inakbayan ang dalaga na para na itong nakayakap.

Dahilan para mapatigil si Janelle sa paglalakad.

"I will miss this." Medyo malungkot na sabi ni Janelle.

He bitterly smiled befor pinching her cheeks.

"But you promised, Tama? You'll wait for me until I come back... aasa ako, Miss Sabado-Reynaldo."

"Malaman ko lang na may babae ka doon, humanda ka sa akin. Mister Reynaldo."

Bahagya silang napatawa kahit na alam nilang ilang Buwan na lang silang magkakasama.

Hinarap nito sa kaniya ang dalaga bago hinawakan ang magkabilang pisngi kasabay ng paghalik niya sa noo ni Janelle.

"People Change, Janelle... Kung dati? Body size lang, naglalaway na ako? Ngayon... kahit pa maghubad sila sa harap ko, hindi ko sila papatulan. Kasi ayaw kong mawala sa akin ang kaisa-isang babae na pakakasalan ko. I won't promise it, kasi ayaw kong masaktan ka, pero I will do it... dahil alam kong kaya ko." Saad ni Riko. Kitang-kita sa mata nito ang sinseridad niya dahilan para mapangiti ang dalaga.

"Buti naman. Ayaw kong maulit 'yung nangyari ha? Na may biglang susugod sa akin at sasabihing buntis siya tapos ikaw ang tatay ng dinadala niya." Then she rolled her Eyes.

He tapped her head before holding her hand.

"Pero hindi ka naniwala."

"Kasi po... alam kong hindi mo magagawa 'yun. Hindi ko lang maiwasang magalit sayo noon dahil alam ko na naka-make out mo na 'yung isang 'yun. Tapos hindi maalis sa isip ko na ginagawa mo 'yun noon dahil sa akin."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon