Chapter 29 ♥♥

71 8 2
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

From: Sir Nicko
~I think she has a plan.

Biglang nabato ang binata sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam ang dapat niyang I-react. Sa simpleng text na 'yun, apektado siya... paano pa kaya sa sasabihin ng kaniyang guro kinabukasan?

Habang hawak-hawak ng binata ang phone nito ay muli iyong tumunog kaya agad niyang In-check kung ano ang laman ng mensahe.

From: Sir Nicko
~joke lang ^_^ pahinga ka na. Goodnight!

Napahinga siya ng maluwag doon sa mensahe ng guro sa kaniya. Pero hindi nito maintindihan ang nararamdaman niya.

Oo nga't nasabi sa kaniya ng guro niya na biro lang 'yun, pero pakiramdam niya... TOTOO ang sinabi ng guro.

'Ano ba 'tong iniisip ko?' Sambit nito sa sarili.

- -

Natapos nang mag-hapunan ang binata kasama ang kaniyang Lola at Papa na kakauwi rin lang galing sa kumpanya.

"Apo?" Tawag ng Lola nito sa kaniya para makuha nito ang atensyon ng binata'ng mukhang malalim ang iniisip.

"Po?"

"Are you free this coming weekend?"

"Opo."

"Good! Papasama sana ako sa'yo, I have a gift for you."

"A-ano po 'yun?"

"It's a secret! O'sya, hayaan mo na ang mga katulong na mag-ayos ng pinagkainan natin. Samahan natin ang papa mo sa living room." Saad ng kaniyang Lola sabay ng pagkapit nito sa braso ni Hard.

Sabay silang lumakad papunta sa living room kung nasaan ang Papa niya na kasalukuyang abala sa pagbabasa. Mukha namang desidido na itong hawakan ang kompanya ng Olivares slash Pamilya ng asawa niya.

"Anak, masyado ka ng subsob diyan." Natatawang sabi ng matanda kay Nick.

"Hindi naman masyado 'Ma. May gusto lang akong malaman."

"Ikaw papa ah? Karespe-respeto ka na!" Pang-aasar ni Hard sa Ama dahilan para magtawanan silang tatlo.

Tumingin siya sandali sa Lola niya bao nagsalita.

"Lola, pwede po bang... lumabas ako sandali? Doon lang po ako pupunta sa Park malapit sa atin."

Nginitian siya ng kaniyang Lola bago magsalita.

"Sige apo, basta mag-ingat ka ha? Bumalik ka agad."

"Ayos lang 'Pa?"

"Sige Anak. Mag-ingat ka sa daan."

Nginitian na muna niya ang dalawa bago tumakbo paakyat sa kwarto nito.

Kumuha lang naman siya ng Jacket para pangontra sa lamig at kinuha ang phone nito bago tuluyang lumabas.

"Alis na po ako." Paalam niya kay Nick at sa Lola niya bago tuluyang nagtungo sa nasabing Park.

Hindi naman siya masyadong natagalan sa paglalakad since malapit lang ito sa bahay nila.

Naupo siya sa swing na nasa gitna ng park at doon tumingala. Kitang-kita ang buwan at bitwin sa pwestong iyon.

Kailangan niya 'to kahit sandali. Kailangan niyang mahanginan muna, at mabigyan ng pagkakataong makapag-isip isip.

Ngunit habang abala ito sa pagtingin niya sa kalangitan ay may biglang tumawag sa kaniya na pamilyar ang boses dahilan para lingunin niya ito.

"Hard?"

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon