Chapter 10 ♥♥

64 9 3
                                    

- - Easy's P.O.V - -

[LUNCH TIME]

Naisip ko munang umuwi nang bahay dahil nakalimutan ko 'yung libro ko sa Values.

Buti na lang at di masyadong malayo yung school sa bahay, tsaka mabilis naman akong nakasakay kaya 12:15 ako nakarating.

Maaga aga pa naman kaya napagplanuhan ko na dito na kumain ng lunch. Pwede naman na akong magpahatid mamaya para hindi ako ma-late.

Nang makuha ko na 'yung book ay inilagay ko na agad 'yun sa bag bago inilapag sa sofa at lumakad palapit sa table.

Pero bago pa ako makalapit sa table ay biglang may pumasok sa isip ko.

Its time...

Muli akong lumapit sa bag ko at kumuha ng isang construction paper na nasa loob ng file case ko.

Nang makakuha na ako ng isang construction paper ay nagsimula na akong magsulat doon. Siyempre light color naman para mabasa niya 'yung sinulat ko. Hindi ko alam kung bakit pero talagang bumalik 'yung galit ko sa kaniya eh. I think, mas lumala pa. Sa harap ng maramibg tao? Pinamukha niyang angtaas taas niya kung ikukumpara sa akin.

Bago ako kumain ay pumunta muna ako sa room ni Hard para ilagay 'yung letter kaso nga lang naka-lock naman 'yung pintuan niya kaya isinuksok ko nalang 'yung letter sa ilalim ng pintuan niya.

LET'S PLAY A GAME, DUDE.

12:45 na ng matapos na akong kumain at magsipilyo kaya naman agad ko nang kinuha ang bag ko na nakapatong sa sofa at tumakbo na sa labas bago lumapit sa sasakyan at sumakay.

Agad naman nila akong inihatid sa school.

Nang makarating na ako ng room ay agad akong sinalubong ni Moriel.

"Oh? Ba't hingal na hingal ka?" Saad ko.

"H-ha? H-hinahanap k-kasi k-kita kanina e-eh. S-saan ka b-ba nanggaling?" Sagot naman niya habang hingal na hingal parin.

"Halika nga muna dito..." sambit ko sabay hawak sa wrist niya at hinila siya papalapit sa Desk niya.

"Maupo ka muna at huminga bago mo ako kausapin." Dagdag ko bago ako umupo sa tabi niya.

Ilang sandali lang ay hindi na siya masyadong hinihingal kaya naman nagtanong na ako sa kaniya.

"Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko.

"W-wala."

"Ha?"

"Kalimutan mo na 'yun."

"Ay? Binibitin mo ako Moriel."

"...Basta! Malalaman mo rin naman next time eh, sadyang nasira lang ngayon."

"Next time mo pa eh... ano nga 'yun?"

"B-basta!"

"Tss." Pabiro kong saad.

Nginitian niya lang ako. Ano kaya 'yun?

- - Janelle's P.O.V - -

Lunch time na kaya naman nag-ayos na ako ng mga gamit ko bago lumabas ng room.

Ngunit hindi pa ako masyadong nakakalayo ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Janelle!"

Bigla akong nakaramdam ng Kaba kaya natigil ako at hinintay siyang makalapit.

Hindi pa kasi ako nakaka-adjust sa pag-amin niya. Ayos lang ba na kausapin niya ako? Since rejected naman siya?

"May kasabay ka ba?" Mahinahon niyang saad.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon