Chapter 32 ♥♥

61 6 1
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Maagang nagising ang binata mula sa pagkakatulog nito. Sa Lunes na rin kasi sila muling papasok since isang linggo rin ang sinagawa nilang activity. Hanggang ngayon, gumugulo pa rin sa isip nito ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang guro. Ilang beses na rin niyang pinilit isipin na walang katotohanan ang lahat.

Sandali siyang napatingin sa mini table nito kung saan nakapatong ang isang malaking Stuff toy. Bago kasi siya makauwi kahapon, ay napadaan siya sa RedEye kung saan niya nakita ang stuff toy na iyon. Siyempre, para kanino pa nga ba? Kay Easy.

Huminga siya sandali ng malalim bago bumangon sa kama at dumeretso sa Cr ng kwarto niya to do his morning rituals. Nasanay naman na ito sa aura ng bahay nila kahit na kailan lang sila nagsimulang manirahan rito. Kahit papaano, nasanay na rin itong wala ang kaniyang Papa since nagsimula na itong hawakan ang kompanya ng pamilya.

Matapos siya sa Cr ay lumabas na ito roon at sa kwarto niya bago nagtungo sa kusina ng bahay. Doon niya nakita ang Lola niya na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Agad niya itong nilapitan kasabay ng paghalik nito sa kaniyang pisngi.

"Good mornin 'La." Aniya.

"Good morning din apo, maupo ka na at kumain."

Nginitian niya sandali ang kaniyang Lola bago naupo sa tabi nito. Ibinaba sandali ng kaniyang Lola ang diyaryong binabasa nito at hinarap ang apo.

"Bakit ang tamlay ng mukha mo, apo? Is there something wrong?"

He bitterly smiled before answering.

"Nothing, kulang lang po sa pahinga 'La."

"Ganoon ba?"

Tumango siya sandali bago hinarap ang hapagkainan at naghanda ng makakain niya. Matapos iyon ay tsaka siya muling nagsalita.

"Ah, 'La. I'm going out for a while Later."

"Where are you going?"

"Uhmm... personal m-matter, 'La."

"Okay."

At muli silang nagkangitian.

- - Easy's P.O.V - -

On the way ako sa school ngayon since pinatawag ako ni Sir Nicko.

Hindi ko alam 'yung rason kung bakit niya ako pinapapunta. Basta ang sabi niya lang, ibabagsak niya ako kapag hindi ako pumunta. Psh, as if naman gagawin niya... basta ako, susunod lang.

Agad akong napatingin sa phone ko nang bigla iyong tumunog. May nag-text.

1 Message Received
From: Sir Nicko
~remember the consequence... Eane. Let me be informed when you arrived at the school.

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong teacher na 'to. -______-

"Ma'am, nandito na po tayo." Saad ng driver ko.

"Okay." I answered.

Siyempre, masunurin akong bata. I texted sir Nicko that I've already arrived bago bumaba sa sasakyan.

"Hihintayin ko pa po ba kayo ma'am?"

"No need, I have my wallet. Uwi ka na po."

"Okay po Ma'am."

Nang makaalis na 'yung kotse ay tsaka lang ako pumasok sa gate ng school. Doon ako sinalubong ni Sir Nicko.

"Afraid to get a low grades, huh?"

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon