Chapter 11 ♥♥

56 8 0
                                    

- - Third Person's P.O.V - -

Muling nagkasabay ang dalawa sa pagpasok sa kanilang eskwelahan, lagi kasing maaga kung gumising si Steve at inaabangan si Ashley para may makasabay ito, marami na rin ang nagtataka sa nakikita nila, sabay kasing pumasok ang dalawa, sabay ng recess, magkasama kapag lunch at kung minsan ay magkasamang naglalakad pauwi. Nagtataka sila lalo na ang mga babae sa building nila dahil nga sa Hearthrob si Steve ay kilala nila ito sa akto niya dati.

Hindi mahilig magbaon si Steve, Hindi rin ito sanay maglakad papuntang school... nakita lang nilang ganito si Steve noon nang dahil kay Riza... Hindi kaya mahal na rin niya si Ashley? 'Yan ang laging pumapasok sa isipan ng lahat nang nakakakita pero may alam ang iba na hindi alam ng dalaga...

Na imposibleng magmahal ng iba si Steve bukod kay Riza.

Bukod sa bagay na 'yon... ay mas lalo pang nanibago ang lahat ng tao sa Clifforde' University, lalong lalo na ang mga kaibigan ng binata. Kahit ang pamilya nila ay nagtaka, paano nagka-ayos ang dalawa?

Sabay silang pumasok sa paaralan, hindi naghiwalay hanggang sa makarating sila sa classroom nila. Kahit mga SC Officers ay nagtaka rin sa bagay na 'yon, ang bilis lang kasi ng pangyayari.

Sabay ding pumasok ang dalawa sa classroom nila at ang sobrang nagpakilabot sa lahat... Ay nagtatawanan sila. Mapa hallway man, Canteen o kung saan mang parte ng Clifforde' University. Halos hindi na ma-intriga ni Steve at Riko ang binata dahil buong araw rin niyang kasama si Easy. Nakaramdam naman nang kaunting selos si Janelle sa kaniyang nakita.

Dahil ito sa pakikitungo ni Hard kay Easy... at Dahil na rin sa pagbabati nang dalawa, dahil gusto niya nang makipag-ayos sa dati niyang matalik na kaibigan ang kaso... May pride din naman siya.

Hindi sanay ang lahat sa nakikita nila dahil mula pa noon ay tanging paninigaw na lamang ng dalaga sa binata ang lagi nilang nasisilayan. Nagulat sila sa Madaling pagpapatawad nila sa isa't isa... at ang nakapagtataka, parang walang Away na namagitan sa kanilang dalawa.

Nang magkaroon ng tyansa ang dalawa (Steve at Riko) na kausapin ang kanilang kaibigan ay hindi na nila pinalampas pa ang maraming tanong sa isip nila.

Sa SC Office lang kasi sila nagkaroon ng chance na kausapin si Hard.

Riko: Paano kayo nagkaayos?
Steve: Sinong unang nagsorry?
Riko: Sinong nagpakumbaba?
Steve: May pinainom ka ba sa kaniya?
Riko: Anong ginawa niya sayo?

Kahit na naiirita na siya sa boses ng dalawa ay hindi niya parin napigilang mapangiti dahil kinikilabutan din siya sa pakikitungo sa kaniya ni Easy ngayon.

"Entrance exam ba 'to?" Ani niya ng pabiro.

"Nakakapagtaka lang kasi talaga ehh, Ilang araw lang mula nung huli niyong pag-aaway." Saad naman ni Steve.

"Sasagutin ko na tanong niyo ha? Paano kami nagkaayos? Gumawa siya ng letter na nagso-sorry siya at nakita ko ang pagiging sincere niya sa effort niya sa paggawa nung letter na 'yun. Sinong unang nagsorry? Siya at ako naman ang nagpakumbaba. Wala akong pinainom na kahit ano sa kaniya at wala rin siyang ginawa sa akin para maging maayos na kami sa isa't isa. Wala nang tanong?"

Nanahimik ang dalawa sa mahabang saad ni Hard ngunit sabay-sabay silang napatingin kay Janelle ng bigla itong magsalita ngunit nakatuon parin ito sa ginagawa niya sa computer.

"Sa hinaba haba ng panahon na lagi ka niyang sinasaktan, hindi lang physically kundi pati mentally, Kinaya mo parin siyang patawarin sa isang sorry lang? Well, ikaw nga naman kasi si Hard, hindi na maipagkakaila ang bagay na 'yun. Ikaw 'yan eh... desisyon mo rin 'yan, nakakapagtaka lang talaga." Ani Janelle bago tumayo at kinuha ang bag na nakapatong sa kaniyang inuupuan kanina.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon