Chapter 16 ♥♥

63 8 0
                                    

- - Hard's P.O.V - -

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami dito sa Manila.

Lahat sila nagderetso sa kaniya kaniya nilang kwarto pero ako, nagbihis muna bago muling lumabas. Gusto ko muna ng hangin, panandalian lang. Hilaw parin 'yung sakit eh. Thanks to Easy hindi na masyadong mahirap ngayon.

Ilanh sandali mula nang lumabas ako ay may nagtawag sa pangalan ko.

"Hard?"

Nilingon ko siya.

"Hmm?"

Naupo siya sa tabi ko bago muling magsalita.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa eh, ikaw ba?"

"Hindi rin, ewan ko nga kung bakit eh."

"Problem?"

Tumango ako sa tanong niya na 'yun.

"About...?"

"Alam mo na."

"Ow, sorry."

Ilang sandali din kaming nanahimik, parehas kaming nakatingin sa langit.

"Iba pala pakiramdam kapag wala kang kaaway no?" Saad niya. Hindi ko parin inaalis paningin ko sa itaas at ganoon rin naman siya.

"May makakausap ka, may mapagku-kwentuhan ng bagay bagay. May makakakulitan. Sarap sa pakiramdam, kung alam ko lang na ganito kasaya, edi sana dati pa ako nakipag-ayos sayo."

This time tinignan ko na siya. That angelic face, kahit na pinapakita niyang malakas siya sa panlabas na anyo... alam ko na may kahinaan rin siya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong ipatong 'yung palad ko sa tuktok ng ulo niya sabay ng paggulo ko sa buhok niya.

"Huwag mo nang intindihin 'yun, ang mahalaga, magkaayos na tayong dalawa." Sambit ko.

Nginitian niya ako pabalik. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko kaya bigla akong napatayo.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

Huminga na muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"Tara na sa loob? May pasok pa bukas." Nginitian ko rin siya bago tuluyang pumasok sa bahay.

Bakit ba ganoon ang nararamdaman ko?

Nagderetso agad ako sa kwarto at pinilit ang sariling makatulog. Kailangan ko pang agahan bukas, Start na ng Buwan ng Nutrisyon.

[KINAUMAGAHAN]

Hindi na ako sumabay sa pagpasok kanila Tito kasi kailangan ko talagang maging maaga ngayon.

Umalis ako sa bahay bago pa may isang bumangon sa kanila. Nilakad ko nalang ang pagpunta ka sa school since routine ko naman na 'to dati pa.

Ilang sandali ay tumunog ang phone ko na nasa bulsa kaya naman agad ko itong dinukot at tinignan ang tumatawag.

Calling...

Riko:09*********

"Hello?"

[Pre...]

"Oh?"

[Hindi na muna siguro ako papasok ngayon?]

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon