Chapter 5 ♥♥

129 13 2
                                    

Yosh! Guys, Sir Nicko will be a major Character in this story. I can't explain how pero siguro malalaman niyo rin 'yung dahilan sa mga next chapters na Iu-Update ko :3

- - Third Person's P.O.V - -

Mula sa pagkakatulog ni Nicko sa Faculty ay nagising ito at naisip na maglagalag muna sa buong school para makita niya kahit papaano ang kabuuan nito since new employed teacher palang naman siya.

He decided to go to the 4th year station to check what's happening when it's Lunch time.

Sa mga sitwasyong ganoon rin kasi sila nagkakilala ni Dess (His Wife). He wants to go back with those memories kahit papaano.

Nadaanan niya ang 4-C at 4-B at hindi niya mapigilang mapangiti sa mga trip nang mga estudyante na dati... ay gawain rin niya.

Nang mapadaan siya sa 4-A kung saan gustung-gusto niyang magturo ay nagulat siya sa nakita niya.

The situation between Easy and Janelle.

Gusto niyang pigilan si Easy noon dahil alam niyang masasampal nito ang bestfriend...

Pero nangyari na nga... hindi sa sumakto 'yun sa Imaginations niya, sadyang parte lang iyon ng kaniyang alaala.

Flashback...

Nang tumunog na ang bell as sign na lunch time na nila ay agad na lumabas si Nicko at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Eric. Nagutom kasi ang dalawa dahil hindi sila kumain ng break time nila kanina.

"Pre! Bilisan pa natin!! Baka kasi mamaya makipagsiksikan pa tayo sa canteen!" Bulalas sa kaniya ni Eric.

"Heto na nga o! Binibilisan ko na!" Masungit namang pagsagot ni Nicko sa kaibigan.

Hindi naman kalayuan ang Canteen sa classroom nila kaya nakabili din naman agad ng makakain ang dalawa at hindi na kinailangan pang makipagsiksikan.

Sabay nang naglakad ang dalawa pabalik ng classroom nila noon habang nag-uusap.

"Pre... Bakit kasi ayaw mo pa siyang tanungin kung pwede kang manligaw?"

"Ulul! Hindi pa nga pwede."

"At bakit?"

"Alam mo naman kung anong klase nang babae 'yang si Dess diba?"

Napaisip sandali ang kaniyang kaibigan.

"Kaso... ayaw mo bang subukan?"

"...Gusto."

"Yun naman pala ehh! Edi gawin mo na!"

Nabatukan nito ang kaibigan at ngumiti ng nakakaloko.

Papasok na sana sila sa kanilang classroom ng makita niya mula sa labas ang ginagawa ni Reah sa kaniyang kaibigan na si Dess. Nagsasagutan ang dalawa sa 'di nila malamang dahilan.

Pipigilan niya na sana si Reah nang mas magulat ito sa sumunod na ginawa ng dalaga...

Nasampal niya si Dess. Nang makalabas na si Reah sa classroom na iyon ay agad nilapitan ni Nicko si Dess sa kinauupuan nito.

"D-Dess... A-ayos ka lang?" Pagtatanong nito sa dalaga.

"Mas sinisira mo lang araw ko." Pabulong niya namang saad.

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon