She's Psyche Mendoza
by ThatBoyishGirl
Date Published: August 14,2015
All Rights Reserved
Author's Note:
There would be some grammatical errors/mistakes dahil hindi po ako perfect at nag-aaral parin po ako ng english. Thank you and enjoy!
Chapter 1
"Bro anong nangyari sayo?" natatawang tanong ni Jules saken.
"Nasapak lang kagabi! Haha badtrip kayo bakit kasi kayo nagpaka-lasing." Sagot ko at uminom ng kape.
Jules Santiago, Raiane Santos, at Brick Delos Reyes. Sila ang mga best friends ko simula bata. Normal lang naman kami na mga tao, hindi kami yung mga ubod ng yaman kagaya sa ibang nababasa nyo. Yung tatay ni Jules, isang may-ari ng hospital sa makati; si Raiane naman may businesses sila; at si Brick naman may clothing business.
At ako naman si V. Ang V-V-hag ng puso mo! Joke lang! Ako si V Soriano at isa akong soccer player sa university namin. Ewan ko ba kung bakit napaka-ikli ng pangalan ko! Kasama ko rin pala sa team si Brick at yung dalawang tukmol ay mga players ng basketball. Yung mga magulang ko ay may sariling airline dito sa Pilipinas. Pero kahit naman ganun ang mga estado namin, hindi namin matatawag ang mga sarili namin na mga succesful dahil kailangan pa namin pag-daanan ang mga hirap na ginawa ng mga magulang namin. Chos!
"Baliw ka kasi pare dapat tumawag ka na lang ng sundo natin para hindi ka napaaway." Saad ni Brick.
"Eh bakit kasi kayo iinom-inom tapos hindi nyo naman pala kaya?! Tapos ngayon ako pa sinasabihan nyo kung anong dapat ginawa." Reklamo ko.
Tumawa naman silang tatlo at inasar lang ako. Kagabi kasi nag punta kami sa party ni Nicole, at napaaway ako dahil andami kong nabunggo kasi hila-hila ko si Brick palabas.
"Guys! Look at this chick." Saad ni Raiane at pinakita sa amin ang picture ng isang babae.
She's kinda hot.
"What's with her? Next target mo?" Tanong ni Brick.
"May anak na daw 'to at nag papa-bayad para lang makapag-aral." Chismis ni Raiane.
"Edi hot mama pala sya." Natatawang sabi ni Jules.
"Ang aga-aga puro babae ang usapan nyo." Saad ko at tumayo na para pumunta sa next class ko.
4th year college na kaming apat at kahit mga loko-loko kami, hindi nyo kami maiha-haintulad sa mga ibang lalaki na loko-loko na nga eh mga wala pang binatbat sa school.
Pumasok na ako at nakita ko yung babaeng sinasabi ni Brick. She's sitting at the last row and it seems like no one wants to sit with her. By looking at her, she has fierce look at parang wala syang pakialam sa mga babaeng nag chi-chismisan sa kanya at sa mga lalaking tina-try kuhanin ang atenyson nya.
Pumasok ang prof at nag discuss then nag assigned ng small research then umalis na. Ganun rin ang ginawa ko at pumunta sa mall para kumain at para bumili na rin ng bagong sapatos.
Habang kumakain ako, napansin kong pinag titingan ako ng mga babae. Normal lang naman ang itsura ko, 5'11 ang height, dark brown ang buhok, matangos ang ilong, at maganda naman daw ang mata ko sabi ni mama. Alam ko namang naga-gwapuhan sila sakin eh! Pero bakit kailangan pa nila ipahalata na gusto nila ako? Hay nako.
*Phone vibrated*
From: Brick
@ Jule's house mamayang 7pm. Meron daw syang ipapakilala.
Napa-ngiwi na lang ako sa nabasa ko. Iyan nananaman sila, may ipapakilala daw pero puro babae lang naman yun! Tapos gagamitin lang nila habang eto namang mga babae, in love na in love sa kanila.
To: Brick
Can't.
Kahit babaero ako, never akong nakipag sex sa isang babae. Yes, I do play with their feelings at iiwanan ko na lang sila basta-basta pag ayoko na. Halos lahat kasi ng mga babaeng nagiging girlfriend or ka-fling ko ay puro sa party ko lang nakilala. And we all know that all of them are players. Minsan naman sila mismo yung nakikipag-break kasi hindi ko maibigay yung gusto nila.
For me, ang babae kasi, parang pizza.
They have a whole one at nahahati sa 12 slices then pag may isang taong pumasok sa buhay nila, hihingi ng isang slice. Tapos sila naman ibibigay. Then pag iniwan sila, hindi na maibabalik yung slice na hiningi; then ganun ulit, may papasok nanaman na bago at hihingi ng slice. Hanggang sa wala nang matira sa kanila pag dumating na yung tamang lalaki na para sa kanila. Hindi na nila maibibigay yung buong pizza kasi kung kani-kanino na nila ipinamigay pero hindi naman sila pinahalagahan.
Yeah I know I'm still a good guy to think of something like that kahit napaka-malaro ko sa feelings ng mga babae. Noon naiinis ako sa mga naging girlfriend ko kasi masyado silang clingy. They'll ask me what am I doing, where am I, who am I with, if I did I ate already, and so on.
Dude, I can take care of myself. They don't have to ask basic things and I know they just care pero ang corny talaga. Si mama nga hindi ako tinatanong kung sino yung mga kasama ko eh, sila pa kaya.
Speaking of girls...
"Hello?"
"Babeee! Thank god you answered!" saad nya sa kabilang linya.
"Sorry I'm a bit busy so ngayon ko lang nasagot tawag mo." Palusot ko kahit ang totoo ay kumakain lang naman ako.
"Hmm..where are you?" tanong nya.
"Sa mall kumakain." sagot ko at uminom.
"Sinong kasama mo?!" Muntik ko na mabitawan yung phone ko sa sigaw netong Andrea ba 'to o Andy. Basta!
"Wala akong kasama." Kalmadong sagot ko.
"Wala?! Eh bakit ganyan yung boses mo? Bakit ang ingay? Nasa party ka?"
"I'm on a public place kaya maingay. May napuntahan ka na bang mall na tahimik?!" Galit kong sagot.
Natahimik sya at nag salita ulit.
"Oh..sorry. Mag-ingat ka pauwi ha? Wag ka magpapa-gabi, tapos maligo ka pagk---" Hindi na nya naputol yung sinasabi nya nang mag salita ako.
"Don't tell me what to do. I can take care of myself. Im done with you! Bye." Saad ko at pinatay ang tawag.
May nakalimutan pala akong idagdag sa mga ex ko. Bukod sa masyado silang clingy, napaka-possessive. Tsk!
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
General Fiction"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza