She's Psyche Mendoza
" Ako kasi ang naka-wala. Ayokong i-utos ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa dahil ako naman ang may kasalanan."
CHAPTER 3
MThat feeling when you woke up without the annoying sound of your alarm clock knowing that there's no school for today.
I think that's the best thing ever.
Tumayo ako sa kama ko at heto nanaman tayo, mag-isang iinom ng kape, mag-isang manonood ng movies sa salas. Pero sanay na naman ako na mag-isa lang dahil kailangan at nasa tamang edad na naman ako para manirahan mag-isa.
I like to walk alone, drink coffee alone, eat alone, and do stuffs alone. Pero pag nakaka-kita ako ng mga taong may kasama habang kumakain o nag lalakad, minsan talaga malulungkot ka kung bakit ikaw, wala kang kasama.
Kinuha ko ang sandok at nag luto ng fried rice at tuyo para sa breakfast ko then kumuha ako ng isang sachet ng Great Taste White at tinimpla iyon.
"Eto na!" masayang bulong ko nang makita kong nasa lamesa na yung paborito kong umagahan.
Hindi ko alam kung bakit madaming babae ang ayaw ng tuyo. Kesyo mabaho daw at kumakalat yung amoy pag niluluto. Pero para sa akin ito talaga yung pagkain na nakaka-tatlong balik ako sa kaldero para kumuha ng dagdag na kanin.
Simple lang naman ang buhay ng isang Psyche Mendoza at malayong-malayo sa mga chismis ng iba.
3pm...
Tumawag sa akin yung customer ko at napag-pasyahan nyang sa mall na lang makipag-kita. Kinuha ko yung pera ko sa ilalim ng drawer at nag plano na rin ako na kumain mamaya sa Dairy Queen. Their ice cream was the best thing happened in my life!
Nag bihis ako ng gray v-neck at mom short then nag suot lang ako ng converse na color cream.
Nag ikot-ikot muna ako habang habang may bitbit at bigla na lang ako tinawag ng kalikasan kaya napa-takbo ako papunta sa comfort room at nang papaliko na ako ay may naka-bangga akong lalaki na naka-long sleeve white polo at may tie pa na color maroon.
"Ay sorry Sir!" saad ko at nag bow.
Hindi sya nag salita at tumango lang sa akin saka tinuloy ang lakad nya dahil may kausap sya sa telepono.
Tumuloy na ako sa comfort room at nag labas ng blessings.
After that I went to Dairy Queen and I ordered the cookies and cream flavor at umalis na para mag libot-libot at bumili na rin ng bagong art materials.
4pm..
My customer already made it! Nasa mid-40's sya I think at dinala nya ako sa isang restaurant dito sa mall.
"So you're Psyche. Your last customer John recommended you to me at ang sabi nya ay magaling ka daw." Saad ni Mr. Custodio at ngumiti.
After a small talk ay binayaran nya na ako at inabot ko naman yung painting na in-order nya.
Oo painting! Kala ng iba katawan ang bine-benta ko porket naabutan nila na mga mukang matatanda ang kasama ko pag lumalabas ng mga restaurants pero hindi nila nakikita kung ano yung talagang binebenta ko.
"June! Paki-dala ito sa kotse." saad ni Mr. Custodio at kinuha naman ng driver nya yung painting.
"My wife would surely love my gift for her! Maraming salamat hija! Oh ito, idagdag mo." Masayang dugtong nya.
"Wala po iyon Sir! Ang ganda rin po kasi ng asawa nyo at ng kuha nyong dalawa kaya maganda talaga ang kinalabasan. And I know, maiiyak sa tuwa ang wife nyo pag nakita nya yung anniversary gift nyo." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficțiune generală"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza