SPM Chapter 38

391 16 0
                                    

She's Psyche Mendoza

"What's this?"

CHAPTER 38

"Lola pwede ba magkaroon ng alzheimers kahit bata pa?" I asked Lola habang nag la-lunch kami.

P's out with mom. Nasa mall sila at bumibili ng decorations for our christmas tree.

I know masasagot ni Lola yung tanong ko dahil mahilig sya mag basa ng mga medical related books kaysa sa mga magazine. Kaya kahit 65 na sya, hindi sya mataba. Ang mga binabasa lang nyang magazine ay kung saan may kinalaman yung negosyo o kaya kung may model kami or kung na na-featured doon yung G R E E K.

"Pwede kung nasa genes. Napapasa yun kapag halimabawa; yung isang nanay may lahi sila ng alzheimers tapos nagka-anak sya, pwedeng hindi makuha iyon ng anak nya. Pero kapag yung anak nya ay nagka-anak rin, pwedeng doon mapasa yung alzheimers. Pati kahit hindi genetically, pwede parin magkaroon nun'." Paliwanag nya.

"Oh. May gamot po ba doon?" I asked.

"Yes pero depende parin. Yung iba pwedeng gumaling, yung iba naman pwede lang wag palalain o kaya agapan saglit. But I'm not sure with this pero feeling ko kung nasa genes nyo na, hindi mo na maiiwasan yun. Pwedeng mawala saglit pero malala yun pag tanda mo." Kwento nya.

"Now I know." I said at sumubo ng kanin.

Almost 3am na ako natulog kaka-isip kay Psyche dahil hindi ko alam kung kanino iyong reseta. Pwedeng sa kanya dahil unang-una naman sa kwarto nya 'yon nakita. Pwede rin namang pina-tago sa kanya diba? Pero sa inaasal ni P mukang ito yung dahilan ng pagiging ganyan nya.

Oo cold kung cold ang kapatid ko, pero kahit papaano naman natuto na syang makisama at maki-tawa samin noong naging sila ni V tapos ngayon halos wala syang imik.

V calling...

"Hello pare." Bati ko.

"30 minutes na lang nasa airport na ako sunduin mo naman ako." Bungad nya.

Ginawa pa akong driver?!

"Akala ko ba sabi mo 3 weeks pa?" I asked.

"I've finished all my works yesterday at pinayagan naman ako ni grandpops. Pati wala na rin naman masyadong trabaho kaya okay lang." Sagot nya.

Grabe naman 'tong si V, wala manlang pasabi edi sana nasundo namin syang lahat.

"Bakit ka umuwi?" Nangungulit kong tanong.

"I'm worrying about your sister's problem. Pero wag mo muna sabihin sa kanilang lahat na naka-uwi na ako, I'll try to follow her around." He said.

Wow, now I can say that he's really into P!

"So magpapaka-stalker ka?" I asked.

Psyche Mendoza's POV

2 weeks na lang uuwi na si V pero isang linggo na akong hindi nag paparamdam sa kanya. I tried not to be affected by my condition pero parang guguho yata yung mundo ko.

Si Brick isang linggo nang paalis-alis pero hindi nag sasabi kung saan pupunta. Napapansin ko nga palagi nya akong tinitingnan ng may awa o lungkot at pag a-alala. Na parang alam nya yung pinag da-daanan ko.

"Nasaan na yun?" I whispered when I realized na wala sa bag ko yung reseta. Ubos na kasi yung gamot ko kaya bibili ulit ako pero wala naman dito sa bag ko.

Nakalimutan ko nanaman kung saan ko nilagay. Napa-hilamos na lang ako sa muka ko at tipong iiyak na. Nahihirapan na ako. Sobra! Hindi ko lang sinasabi sa kanila yung lagay ko dahil magpa-pasko ayokong maging dahilan para malungkot sila.

She's Pysche Mendoza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon