She's Psyche Mendoza
" Popularity is for mediocre people."
CHAPTER 6
Sobrang nakakapagod maging 4th year college student.
Kung ikukumpara ang sleeping schedule ko noong freshmen na kahit papaano ay nakaka-6 hours ako, ngayon naman ay 3-4 hours a day na lang.
Tapos mag-isa pa ako gumagawa ng thesis dahil walang gustong sumama sa akin. But that's okay, I ain't got time for them anyway. Buti nga pinayagan ako ni Mr. Reyes dahil lahat naman ng prof ay alam kung sino at ano ako, kung bakit ayaw sa akin ng lahat. At naiintindihan nila iyon.
Pumasok na ako sa second subject kung saan kaklase ko si V.
Naabutan ko syang naka-poker face at nasa third row naka-upo at ako naman ay umupo sa last row."Get a piece of paper we have quiz." agad-agad na sambit ni Ms. Fluentee pagka-pasok nya ng room.
As usual, na-suprise parin ang mga kaklase ko dahil sa suprise quiz. Pero napansin ko na todo sila magpa-cute kay V.
Natapos ang quiz at naka-perfect ako then nag discuss na si Ms. Fluentee. Kaso in-excuse sya ng school admin kaya naputol ang discussion at babalik rin naman sya.
Napag desisyonan kong mag CR dahil nasobrahan yata ang inom ko ng ice tea kanina.
Bumalik ako sa room at nadatnan ko silang nag tatawanan at naka-tingin sa akin.
Naka-upo na ako nang lumapit sa akin si Lisa na isang nerd at parang napipilitan sa ginagawa nya."Uhm Psyche, alam mo yung sagot dito?" tanong nya at pinakita sa akin ang phone nya.
I can feel the whole class watching us and I don't even know why.
"Ah wait lang mayroon ako nyan sa phone ko." sagot ko at kinuha ang bag ko.
Kalmado akong kumapa-kapa kahit ramdam ko na wala na aa bag ang cellphone ko.
"Ah sorry nawawala yung phone ko eh." saad ko.
Tumalikod sya at parang na-dismaya ang mga muka ng kaklase namin dahil wala silang reaksyon na nakuha mula sa akin.
"Seriously? Hindi mo manlang ba hahanapin ang phone mo?" tanong ni Jigs, kaklase ko.
"Hindi." sagot ko.
"Im sure may nag tago noon." concerned pero may malarong ngiti ang bumalot sa kanyang labi.
"Hindi na. Napaka-immature naman ng gumawa noon. Ang lakas maka-high school ng trip nya. May patago-tago pa." I calmly answered.
Iyan na yata ang pinaka-mahaba kong sagot sa buong college life ko sa mga kumakausap sa akin. Bukod sa "ah" , "okay", "no", "yes" at "i dont know", wala na akong ibang sinagot sa kanila.
Maya-maya ay biglang nag salita si Rina na parang naiinis.
"At isa pa, pipitsugin lang naman ang phone nya kaya okay lang naman itago at itapon right?" sabat nya at tumawa.
"Aanhin ko ang mamahaling cellphone? To fit with you guys and to the so called phone-that-you-must-have-so-you-can-be-friends-with-us?" I answered.
"Kahit naman magka-iPhone 6 and 6+ ka pa hindi ka parin naman namin magugustuhan eh.Because were popular." Sagot nya.
"The question is, do I care kung magustuhan nyo ko?" I said before adding.
"Popularity is for mediocre people." I added.
"WHOOOAAAAH!!!" sigaw ng mga boys.
"BURNED!!!" Saad ng iba.
Tuwang-tuwa sila sa sagot ki pero hindi nila alam na nakuha ko lang yung line na yan sa mga echos sa twitter. Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Fiksi Umum"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza