She's Psyche Mendoza
"He maybe a player but he never touched a girl. And it makes him look like a bad boy and an angel at the same time."
CHAPTER 20
I'M PISSED.
That's all I can say about my mood after our last subject.
"What happened?" Leo asked.
"Bwisit na yan. Bakit kasi 4th year college na may groupings parin." I ranted.
"Bakit?" He asked.
Umupo ako sa passenger seat at nag simulang mag kwento.
Binigay ko na kay Lea yung sagot ko doon sa group activity na pina-uwi samin ng prof para kinabukasan pagsa-samahin na lang yung sagot ng lahat at kung ano ang majority na magkakaparehas na sagot, iyon ang ipe-present on friday pero dapat matapos na ngayon dahil iche-check ng prof.
But because my groupmates are too good, wala silang gawa lahat. So no choice, yung sagot ko lang ang kukuhanin.
I gave mine to Lea at hinayaan na silang gumawa doon. Dahil bukod sa ayaw kong maki-gulo sa kanila, ayoko rin sa mga ka-grupo namin na feeling pogi.
After 1 hour she walked towards me habang ako kay naka-tulala lang sa kawalan.
"Ilalagay ba yung letter and number?" Maarte nyang tono.
"Oo ilalagay." Sagot ko.
She looked at me na parang ayaw maniwala.
Tumalikod sya at lumapit kila Harold at James (mga kalandian nya)
"Uy ilalagay ba yung letter and number?" Pag-uulit nya ng tanong.
"Hindi na." Sagot nila.
I just rolled my eyes and crossed my arms.
After a while puro reklamo mula sa kanya ang naririnig ko. Tapos puro pag tatalo mula kay James at Harold at kung ano-ano pa.
Until the prof started to collect our group activity. Nagulat na lang ako nang mag simula syang mag sermon.
"Bakit walang sagot itong sa inyo?! Graph lang yung nagawa nyo sa tatlong oras na binigay ko sa inyo?!" Tanong nito sa grupo namin.
Tumayo naman si Lea at sumagot sa prof.
"Sir kasi sabi wag na daw ilagay." Paliwanag nito.
"WHO SAID NA HINDI ILALAGAY?!"
"Ayoko pong mag sabi ng pangalan." Inosente nyang sagot.
Nag simula na akong mainis dahil sa ginawa nya.
"Ikaw Mendoza! Wala kang tinulong sa kanila bakit hindi ka manlang nakiramdam? Wala ka namang ginawa kung hindi ang tumulala!" Sigaw ni Sir.
"Sir hindi porket nakita nyo akong walang ginagawa doesn't mean hindi ako nag effort. For your information Sir, out of 10 members, ako lang ang gumawa ng pina-uwi nyong group activity kaya binigay ko na sa kanila yung sakin. And Lea even asked me kung ilalagay daw ba lahat but she chose to believe with Harold and James na sabi ay wag na daw!" I said at umupo.
Nakita ko naman na sumama ang tingin ni Lea sakin.
After ng subject namin ay galit na galit ako kaya pati mga katabi ko ay nadamay.
"Excuse me!" Pagmamadali ko. Ayoko kasing makalabas si Sir nang hindi nakukuha ang sagot ko.
Nagsi-tabihan naman sila at natahimik nang lumapit ako sa harap.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza