SPM Chapter 14

723 15 0
                                    

She's Psyche Mendoza

"I dont want you to be reminded of anyone else. I want to be the first me you will ever met."

CHAPTER 14

"Hush now." Saad ni V habang yakap parin ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal na ba ako umiiyak dito sa kwarto ko. Lahat ng sakit na dinulot ni John sa akin ay bumalik lalo na nang ipa-alala ni Leo yung nangyari noon sa bar kung saan ako dinala ni John at iniwan.

"Bakit ang sakit parin? Diba dapat sya yung nasasaktan? Kasi mas deserve nya to' eh!" I said while sobbing.

"Minsan kasi kaya patuloy parin tayong nasasaktan dahil tayo mismo hindi natin tinutulungan yung sarili natin na bumangon." Sabi nya.

After so long ngayon lang sya nag salita ng ganyan kahaba.

What V said hit me hard.

Naisip ko lahat ng naranasan ko kay John at alam kong masakit. Pero siguro nga kaya ko naman nang ayusin ang sarili ko at bumangon.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"What?" He asked and wipe my eyes.

"It's time." I answered at tumayo para mag ayos ng sarili.

Lumabas si V dahil maliligo ako at ako naman ang babawi sa kanya at kay Leo. Ngayon ko lang rin na-realize na kahit sinong babae ay kikiligin sa mga sinabi ni V kay John kanina.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa mahal ko."

Totoo pala yung blush? Kala ko hindi totoo yung mga nababasa ko na pag kinikilig ay namumula. Pero heto ako ngayon naka-tingin sa salamin ng banyo at naka-ngiti na parang baliw.

Paano ba naman kasi, crush ako ng crush ko.

So does this mean, sya na ang icing sa cupcake ko? HAHAHAHAHAHA!

Lumabas ako ng kwarto at naka-tingin naman yung dalawa sa akin.

"What's with that face? Alam mo kaunti na lang masasabi ko nang bi-polar ka." Saan ni Leo at tumawa.

"Oo nga. Kanina halos mapatay na namin yung ex mo tapos iyak ka pa ng iyak sa kwarto mo." Dagdag ni V.

"Mag mo-move on na kasi ako." I proudly said.

Na-ubo naman si Leo at binigyan sya ni V ng tubig habang tumatawa.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Wow P. After 2 years and 6 months ngayon mo lang naisip ang idea na yan." Sabi nya at tumawa.

"Hoy atlis nagising na ako no!" Sagot ko.

Tumawa naman silang dalawa at nag tinginan lang.

"Oy V, ikaw lang yata yung nakapagpa-ayos dyan kay P. Iyon lang naman pala yung kailangan sabihin eh. It just took you short time para mapag-isip mo ng matino yang babae na yan tapos ako ilang taon nagpaka-hirap na gisingin ka sa katotohanan na kailangan mo na mag move on!" Kwento ni Leo at nakipag-apir kay V.

Maya-maya ay nagtaka sila sakin dahil hinila ko sila palabas.

"Oh saan tayo pupunta?" Tanong ni V.

"Babawi ako." Maikli kong sagot.

Binuksan ko na ang gate at si V naman ay kukuhanin sana yung G-Wagon nya pero pinigilan ko sya.

"Hep! Hindi ko kailangan ng fancy car! Tara't mag lalakad tayo para naman ma-expose yung hotness nating tatlo." Sabi ko.

Nag tawanan naman silang dalawa na may halong pagta-taka.

Alam kong naninibago sila sakin kasi ngayon lang talaga ako naging hyper at pala-biro. Si Leo naman sadyang natatawa na lang yan pag masyadong sarcastic ang sagot ko sa kanya that's why he always think that I'm funny.

She's Pysche Mendoza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon