She's Psyche Mendoza
"We found her."
CHAPTER 26
Hindi parin ako makapaniwala na nasabi ko yun kay P ng dahil lang sa pag o-over think.
"I didn't knew that boys do over think too." Sabi ni Brick at tumawa.
"That's what love can do!" Pang-aasar ni Jules.
Buti na lang si Raiane hindi gawain ang maki-sali sa mga asaran namin. Puro si Jules at Brick lang talaga yung nangunguna kaya sila lagi yung naba-batukan ko.
Nandito silang lahat sa Fly at nang gu-gulo sa office ko. Sabi nila just in case daw na may mga magaganap na tagpuan naming tatlo nila Aaron, at Psyche, ay nandito daw dapat sila para manood.
Ginawa pa talaga kaming mga artista. Tss!
"Nasaan na ba si Psyche?" They asked.
"Iyon nga eh, kanina ko pa tinatawagan kasi late na sya ng 1 hour. But she's not answering my calls." Sagot ko at humarap sa cell phone ko.
"Baka naman may after shock sa mga sinabi mo kahapon pagka-uwi natin. Kung ako si Psyche mag tataka ako kung lalaki ba talaga yung nanliligaw sakin dahil parang babae mag isip eh." Pang-aasar ni Jules. Nai-kwento ko kasi sa kanila yung mga sinabi ko kahapon.
Binato ko sya ng ballpen at tumawa nanaman silang lahat. These past few days napansin kong halos kami lagi ang tampulan nila ng tukso ni P. Kesyo bakla daw ako kasi mas lalaki pa daw si P sakin.
"Hindi nyo kasi alam kung ano yung plano ko." Sabi ko at tumahimik na.
Nag tinginan sila ng napaka-seryoso sakin pero gulat na gulat.
"Pare, kala ko ba seryoso ka kay Psyche?" Sabi ni Brick na parang naga-alala at galit na kapatid ni P.
Tss. Protective much?
Psyche Mendoza's POV
I can't move my body. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil sa period ko.
Yung puson ko parang sinasaksak sa sakit. At ngayon ko lang naramdaman 'to dahil since then naman ay never ako nagka-ganito. Puro pawis ang katawan ko at patuloy lang sa pag tulo.
Nag talukbong na ako ng blanket ko dahil gusto kong mainitan yung bandang puson ko. Siguro kailangan ko ng hot compress.
Dahan-dahan akong tumayo at nag lakad papunta sa kusina para mag pakulo ng tubig. Grabe ganito pala kasakit yung sinasabi nila na menstrual cramps.
Nahihilo na ako. Hindi ko na kaya. Pero pinilit kong patayin yung pinakukuluan ko dahil baka any time ay bumagsak ako baka masunog pa ang bahay ko dahil hindi ko napatay.
Nanginginig kong kinuha yung phone ko at nag call lang ng kung sino ang nasa call logs ko. Sana naman si Leo ang natawagan ko at sya ang pinaka-present na tumawag sakin para sya yung na-call ko.
"Hello?"
"He-help." Iyan na lang yung nasabi ko at bumagsak na sa kusina.
Brick Delos Reyes's POV
Kaka-alis ko lang sa Fly at kasama ko ngayon si Lola para ihatid sya sa bahay ng amiga nya at ako naman ay aalis rin dahil ngayon ang date ko kay Celestine. Suot ko rin yung piniling outfit sakin ni Psyche.
Speaking of that girl, nag tataka kami kung bakit hindi sya pumasok. Kaya naman lahat kami ay tinawagan sya pero walang sumasagot at puro ring lang ang narinig namin.
Ako ang huling tumawag sa kanya para sabihin sana na suot ko yung outfit na pinili nya at kailangan sya ng mom ni V at ni Mom para sa bago naming collection pero walang sumasagot.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza