She's Psyche Mendoza
CHAPTER 10
"Bakit mo sinampal?" natatawang tanong ni Leo habang naka-upo sa sofa.
Kinuwento ko kasi ang nangyari at lahat ng detalye sa mga nangyari kanina.
"Hindi ko alam." maikli kong sagot at kumuha sa fries na binili namin bago maka-uwi.
"Sya nanaman ang dahilan 'no?" saad nya at tiningnan ako.
"Oo na. Pero kasi bakit ganun? Bakit ang hirap-hirap nya kalimutan?" sagot ko.
"Paano mo makakalimutan eh panay parin ang reply mo sa walang kwenta nyang paramdam sayo." payo nya at binato sakin yung unan.
"He sent me a mesage last friday. He's checking on me." saad ko.
"Anong sabi mo?" tanong nya.
"Nag kwento ako na parang ganoon parin like befor-" hindi ko naituloy yung sinabi ko nang ibuhos nya sakin yung McFloat.
"WHAT THE HECK LEO?! ANONG TRIP MO?!" sigaw ko at tumayo.
Ang lamig nung yelo bwiset!
"Ano ba P?! Why did you do that?! Paano ka makaka-move on nyan kung pati ikaw hindi mo tinutulungan yung sarili mo?! Hindi porket nag message sya ay agad-agad ka namang sasagot na parang hindi ka nya iniwan ng walang dahilan 2 years ago and left you with his stupid promises na hanggang ngayon ay pinang-hahawakan mo parin! Ano ba yan? Can't you see?! Kaya ka lang nya kina-kamusta 'kuno' at mine-message is because he wants to test kung hanggang ngayon ay tanga ka parin sa kanya. And I bet tuwang-tuwa parin sya hanggang ngayon na may isang babaeng umaasa na babalikan sya nito." sermon nya.
Napa-yuko ako at hindi nakapag salita. Una, oo nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Leo dahil totoo naman talaga lahat ng 'yon. Pangalawa, thankful ako kasi may kaibigan pa pala ako na handa akong sampalin ng katotohanan matauhan lang.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang.
"Tapos ngayon iiyak ka?! Bakit? Kasi tama yung mga sinabi ko? Kasi alam mong tanga-tanga ka? Alam mo Psyche sa totoo lang, ang pagpapaka-tanga sa taong mahal mo ay okay lang. Pero yung sayo, sobra-sobra na. Nagpapaka-tanga ka sa taong hindi ka naman kailanman binigyan ng halaga." dugtong nya at umalis sandali.
Pag balik nya ay binato nya ako ng tuwalya at nilapag ang damit ko sa lamesa.
"Maligo ka. Mag-uusap tayo ng maayos. Sundin mo ko P. Nakaka-beast mode ka masyado." saad nya at tumalikod na.
Naligo ako at umiiyak parin hanggang sa pag labas ko ng banyo.
John Santiago. Ang lalaking tinutukoy namin ni Leo kanina. Well, it all started noong 2nd year ako. He courted me at sinagot ko sya. Pero noong kami pa ay parang lahat ng sweetness nya noong nanliligaw sya ay nawala. Binalewala nya ako na parang hindi nya ako girlfriend. Until he broke up at wala naman akong nagawa kaya pumayag ako. But that's not yet the end of our story. After our break up, kinakausap nya parin ako na parang girlfriend ang turing nya sakin. Weird right? Noong kami binalewala nya ako tapos kung kelang break na kami kaysa naman sya naging sweet.
Pinalampas ko iyon at sinabi sa sarili ko na ie-enjoy ko na lang yung nangyayari tutal mahal ko sya at sa huli ko na lang dadanasin yung hirap pag nasaktan. Pinangakuan nya ako ng maraming bagay na lalong nagpa-in love sa akin sa kanya. Hanggang sya umalis sya ng bansa ng wala manlang kahit isang good bye. Until one day I asked my old classmate at saktong kaibigan nya si John. Kinuwento nya sa akin na kinamusta daw nya ako at si John pero ang sagot ni John ay "Ahh yun ba, hindi ko sineryoso yun".
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficção Geral"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza