She's Psyche Mendoza
Birthday Gift
CHAPTER 31
"Nak, may tao yata sa labas paki-buksan nga muna at pinapalitan ko si Parker ng pampers." Utos ni Nanay Liz.
Isang linggo na rin ang naka-lipas mula noong umalis ako. Wala namang nag bago eh. Painting lang ako ng painting tapos mag a-alaga, mag lilinis ng ampunan, matutulog, at babangon. Pero onti na lang, magiging okay na talaga ako.
Pumunta na daw pala dito sila mama at lola noon at sinabi kila nanay ang storya tungkol sa pagkatao ko. Noong pagka-tapak ko pa lang dito yakap na agad ang ibinungad nila sa akin at wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Kinuwento ko rin sa kanila ang nangyari sakin at nagalit rin sila katulad ng reaksyon nila mama, lola, at papa.
"What's this?" Bulong ko nang mapulot sa tapat ng gate ang isang brown envelope.
Binuksan ko kung anong laman nito at tumulo ang luha ko nang makita yung litrato ko na naka-tawa habang kumakain. Ito yung time na nandoon sila lahat sa bahay ko at binisita ako after ng aksidente pero wala akong benda dito dahil tinanggal ko para mag pa-palit ng bago. Hindi ko alam na nakuhaan pala nila ako ng picture.
(A/N: See the photo above! :))
"Hi miss Mendoza. Im Brick Delos Reyes, gusto ko sanang um-order ng painting at nandyaan ang litrato ng kokopyahin. We miss her smile and we hope she's better now. Gusto kasi namin makita ulit yung ngiti nya bago ang birthday ni V and we're planning na i-regalo yan sa kanya this October 30. I'll jusy pay you after you shipped my order. Thank you! "
Tiningnan ko ang calendar sa phone ko at mayroon pa akong isang linggo para i-painting ang sarili kong muka na naka-tawa. Hindi parin tumigil ang pag labas ng luha sa mga mata ko habang hawak-hawak yung litrato ko.I miss my old self. Yung sarcastic pero ikina-tutuwa nila, yung medyo makulit, yung mababaw ang kaligayahan. Siguro nga ito na yung time para bumalik ako kasi mahigit isang buwan na rin akong ganito. I think this is the right time para bumawi sa kanila, at lalong-lalo na kay V.
"Nami-miss ka na nila Hija." Sabi ni Nanay Lesy habang naka-ngiti sa akin pagka-punta ko sa hall.
"Nay sa tingin mo pwede ko nang sagutin si V?" I asked.
"Ikaw ang makakapag-sabi nyang anak. Alam ko naman na gusto mo rin yung batang iyon at kahit gaano mo pa tarayan iyang muka mo, halata ko na masaya ka dahil kilala kita simula pagka-bata mo pa lang." Sagot nito.
I smiled. Kilala talaga nya ako at kahit anong pilit kong mag tago ng kahit anong emosyon ay alam nya kung anong nararamdaman ko. Ito siguro yung matagal ko nang hinahanap, yung maka-usap ang mga tao na totoong nakaka-kilala sa akin.
"Pero po hindi ko pa alam kung kaya ko na ulit mag tiwala." I said.
"Then let him prove na hindi ka nya sasaktan. Give him a chance anak." Sagot nito.
Bigla akong namula. Iniisip ko pa lang yung mga 'yon hindi ko alam kung kakayanin ko bang itago yung kilig na mararamdaman ko. All the time naman kasi nag tatago lang ako ng feelings at hindi pinapakita ang nararamdaman ko dahil takot akong mag bigay ng motibo.
Is this the right time to say yes?
V Soriano's POV
"Happy birthday anak!" Sigaw ni Mom habang inu-uga ako para gumising.
"Wala akong balak mag celebrate ng birthday kung wala si P." Saad ko at nag talukbong na parang bata.
"Anak, sayang naman yung pina-handa ko para mamaya. And besides, pag bigyan mo na yung sarili mo na mag celebrate! Pati under ng trauma si Psyche kaya hayaan mo na." Sabi nya at tinanggal ang kumot ko.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza