She's Psyche Mendoza
"I know baby girl you've been through hell because of your past. But I got you now. And I wont let you get hurt again."
CHAPTER 12
It's been a month.
Oo isang buwan ko nang iniiwasan si V.
But he never stop on bugging me. Araw-araw ay may red rose akong natatanggap every time I open my locker o kaya tuwing uupo ako sa desk ko.
Kulang na lang ay mag tayo ako ng flower shop sa dami ng bulaklak dito sa bahay.
"Anak, halika dito at titimplahan ko ng gatas si Parker." Saad ni Nay.
Lumapit ako doon at nilaro si Parker. Katulad ko rin ang batang ito, iniwan at pinabayaan.
Actually I am the one who found this little guy doon sa entrance nitong Full House habang nasa basket sya.
And kulang na lang ako ang maging nanay nya dahil sobra akong na-attached sa batang ito. He is so cute! At mukang half sya.
"Baby! No! Magagalit ako sige ka." I said at hinila sya pabalik sakin at hinalikan ang leeg pati ang pisngi.
He began to laugh at sobrang cute nya. He has dark brown eyes and curly brunette hair.
Curly hair...
"Baby bakit ko sya naa-alala sayo? Bakit kasi kulot rin si V? Tss." Reklamo ko at binuhat si Parker.
Parker is 2 years old at ako ang nag su-supply ng needs nya dahil tutal may kita na naman ako sa paintings ko.
Binigay ni Nanay yung gatas at pina-dede ko si baby. Almost a month rin pala akong hindi naka-dalaw sa Full House dahil sobrang busy sa school plus malapit na ang OJT.
"I miss you! I miss you!" Sabi ko at pinanggi-gigilan si Parker.
"Hija dyaan lang kayo ha at may bisita tayo mamaya kaya mag hahanda lang ako ng tanghalian." Saad ni Nanay.
"Sino nay? May mag do-donate ba?" Tanong ko.
Itong Full House kasi ay maliit lang sya na ampunan at hindi kilala. Mga tatlo lang kaming sumusuporta dito para matugunan yung mga pangangailangan ng mga bata. Pero hindi naman ganoon kadami ang mga bata dito, mga nasa 50 lang.
Every month nasa 50k ang binibigay ko kay Nanay (sya ang founder nitong Full House) para i-tulong sa kanila. Full House ang pinangalan dito dahil full of love ang ampunan na ito.
"Oo yata. Nag e-mail sakin si Madam Aurora at sabi nya ay nag hahanap sya ng i-sponsor-an at may nakapag-sabi sa kanya na maganda daw ang ampunan natin kaya iche-check nya ito mamaya." Paliwanag ni Nanay at lumabas na.
"Wow baby! May bibisita satin ngayon! Sana wag ka nila ampunin huhuhu!" Saad ko at niyakap si Parker.
Maya-maya ay naka-yakap na sya sakin at naka-tulog na. Ganoon rin ako dahil ginawa ko ang thesis ko kagabi kaya 3am na ako naka-tulog at gumising ng 7am para bumyahe papunta dito.
V Soriano's POV
Hinigit ni Mama ang unan ko na naka-takip sa muka.
And she began to play some old music ng naka-full ang volume at hinawi ang kurtina ko dahilan para tumapat sa muka ko ang araw.
"Maaaaa!!! What do you want?!!!!" Sigaw ko at nag talukbong.
Tumawa naman sya at hinigit ang kumot ko.
"You're going with me." Saad nito at hinigit naman ang boxer ko kaya tawa sya ng tawa nang makita ang pwet ko.
Ang cool ng nanay ko diba?
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Fiksi Umum"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza