SPM Chapter 7

733 14 0
                                    

She's Psyche Mendoza

"I dont need to explain myself sa mga taong wala naman ibang ginawa kundi ang mang husga."

CHAPTER 7

It's saturday at puro kalat sa bahay ang tumambad pagka-alis ko sa kwarto.

It's been a week after V asked me for a date.

Kagabi tinawanan ko sya ng sobra noong tinawagan nya ako.

Last night...

"Hello?"

"Good evening." causal na bati nya.

"Bakit ka napatawag?"

"Hala." bulong nya.

"Bakit?" tanong ko. Wala namang masama sa sinabi ko ah?

"Nag tataka lang ako. Hindi kasi pabebe yung boses mo. Nakakatakot." sagot nya.

"HAHAHAHAHAHA!!!!" napa-hagalpak ako sa tawa dahil ang inosente ng boses nya na parang seryoso sa tanong nya.

"Are you serious?" tanong ko at tumawa ulit.

"Yeah, I know it's kinda funny pero kahit si mama at lahat ng mga nakausap ko sa phone ay mga pabebe ang boses. Ikaw lang ang iba ang tono, parang mananapak." paliwanag nya.

After that nag kwentuhan lang kami at medyo ramdam ko sa boses nya na may halong flirting na yung mga sinasabi nya.

"Uhm, pwede ba tayo mag date bukas?" tanong nya.

"Sure. In one condition.." I answer before adding.

Tumahimik sya ng onti at narinig ko ang buntong hininga nya. Alam kong medyo naiinis sya kasi may condition pa, eh ako na nga itong may utang sa kanya.

"Okay what is it?"

"Pumunta ka sa bahay." sagot ko.

"Gabi?" tanong nya.

Ito talagang mga lalaki, pag pinapunta mo sa bahay gusto laging gabi!

"Umaga." sagot ko at nag paalam.

End

Nag luto ako ng umagahan at mag titimpla na sana ako ng kape nang may kumatok sa gate.

"Good morning." bati nya at ngumiti.

"Pasok." saad ko.

Napa-nga-nga naman sya sa sobrang kalat ng living room pati na rin sa kitchen.

Hindi kasi ako nakapag hugas kagabi dahil gumawa ako ng thesis.

"Your house is a total mess." saad nya.

"And we will clean it today." sabi ko.

Napa-wtf sya at tumingin sa akin with the "are you serious" look.

"Yep, mag lilinis tayo. At ito ang date natin!" saad ko.

Lalo naman syang napa-wtf dahil sa narinig nya. Hindi ko alam kung nag si-sink in ba sa kanya yung mga turo sa simbahan nung nakaraan dahil mura sya ng mura.

Hinila ko sya sa dining table at nag hain ng breakfast.

"Dapat pala bumili muna ako ng starbucks." sabi nya.

"I dont need your starbucks." Sabat ko at binato sa kanya yung dalawang sachet ng Great Taste White.

"What's this?" tanong nya.

She's Pysche Mendoza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon