She's Psyche Mendoza
"Yeah but I will never forget the time you slapped my face so hard because I kissed you."
CHAPTER 46
Nasa living room kami nila V ngayon at saktong pumasok si Tito Steve/Andrew. Steve isn't his real name but Tita Aurora is used on calling him Steve instead of Andrew.
Nasa hagdan na si V nang pumasok naman kasunod ni Tito ay si Aaron. Yung muka ni V ay napalitan ng inis.
"Oh? Bakit ganyan yung muka nyong dalawa? Did you two had a fight?" Curious na tanong ni Tito at nag papalit-palit ang tingin sa amin dalawa ni V.
"Si Jules po kasi inistorbo sila kanina." Natatawang singit ni Rai kaya tinapunan namin sya ng masamang tingin.
"Let's eat." Yaya ni V at umupo na sa couch at itinabi ako sa kanya.
"Okay aakyat lang kami sa taas. Enjoy!" Sabi ng Tita at umakyat na.
All of their mouth formed an "O" nang tumabi rin sa gilid ko si Aaron at nasa gitna nila ako bali ni V. Tapos ang katabi ni V sa kabilang gilid nya ay si Brick at kay Aaron naman ay wala dahil sa magkabilang couch sila Jules, Leo, at Rai umupo.
"Long time no see my dear cousin." Bati ni Aaron kay V binigyan sya nito ng ngisi.
Do he really have to smirk like a devil? Now I am mentally killing this nerd.
"Why are you here?" Pag babalik na tanong ni V pero hindi nya manlang tinapunan ng tingin ang pinsan nya.
"Because Tito Andrew brought me here to stay and celebrate new year's eve with you guys." Sagot nito.
"Worst new year's eve ever." I whispered but I think Jules and Leo saw what my mouth said dahil naka-tingin sila sakin at kahit hindi nila iyon narinig ay alam nila ang sinabi ko. Mukang hindi sila sa movie naka-focus kung hindi sa aming tatlo.
"Hahahaha!" Pag tawa ni Leo. Sabi na eh, nabasa nila yung sinabi ko.
Hindi na sumagot si V but I can feel the tension between the three of us right now. V's right arm is wrapped around my waist while we're watching the movie "Green Inferno".
"Oy akin na lang yung smoothie mo." I told V at tumingin naman sya sakin. Napansin ko kasi na hindi nya iniinom yung kanya at matatanggal lang yung lamig 'nun pag hindi pa nya ininom at mas magandang mapa-sakin na lang 'yun no! Sayang naman.
"You already finished three glasses of it yet you still want more?" He said with a low voice dahil naka-focus na ang lahat sa movie.
"Ang sarap eh." I said and pouted. Mas masarap pa yata yung avocado smoothie ng nanay ni V kaysa doon sa binili namin. Masarap 'yun pero mas masarap yung kay Tita.
Bigla namang kinuha ni V yung smoothie nya na nag tu-tubig na ang labas dahil natutunaw na yung yelo. Ininom nya 'yun ng isang deretso habang naka-tingin sakin at nang i-inggit pa yung itsura.
"I hate you." I said at humalukip. Tumingin na ako sa TV para manood. Alam na alam nya talaga kung paano ako asarin!
Napansin ko namang kinuha ni Aaron yung smoothie nya na kakaunti pa lang ang bawas at wala pa sa kalahati. Namalayan ko na lang na nasa harap na ng muka ko iyon at saka sya nag salita.
"Here, take this." He said and gave me a sweet smile.
Bigla namang sumingit ang muka ni V mula sa gilid ko na kung kanina ay nag lo-loko pa, ngayon naman ay nag di-dilim na.
"Gagawa na lang tayo love. Mamaya may gayuma pa yan! Tara samahan mo ko." Madiin nyang sabi at hinila ako papuntang kitchen at nahagip ko na lang yung mga lalaki na nag ta-tawanan kasama si Aaron.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza