She's Psyche Mendoza
Nag tawanan ang lahat sa regalo ni Tito kila Leo, Brick, Rai at Jules dahil binigyan nya sila ng tag i-isang box ng condoms at pregnancy kit.
CHAPTER 42
We're both ready to go to Full House and it's only quarter to eight in the morning so we decided to get some breakfast first.
"Ano sa'yo love?" I asked P na ngayon ay kausap sa telepono si Nanay Liz.
She mouthed me "same as yours" kaya naman nag order ako ng american breakfast for two at dalawang avocado shake.
"Nag re-ready na daw sila para mamaya. Nandoon na daw ang mom mo V. Hindi halatang excited!" Natatawang sabi ni P.
"Well mahilig talaga sya sa mga ganoong party yung simple lang. She prefer going to this kind of party than a buisiness related one because she always get bored." I said at inabot sa kanya yung plato nya nang dumating ang waitress.
Sarap na sarap si P sa avocado shake so she bought another one for take out para daw may pagkaka-abalahan sya habang nasa byahe. And of course dumaan kami sa McDonalds for her fries. Now you know the drill when you're with P. Dapat palaging may fries!
Habang nag da-drive ako ay kung ano-anong kinakalikot sya sakin. Minsan tititigan lang nya ako tapos biglang iikutin yung kulot kong mga buhok o kaya ay kakagatin yung braso ko na parang bata.
"Hahahahaha look at you!" Natatawang sabi nya at tinuro pa ako.
Ito pala yung pinagkaka-abalahan nya kaya pumunta sya sa likod ko kanina at kinuha yung mga pang ipit nya ng buhok.
I looked at the rierview mirror for a second at nakita ko na lang yung buhok ko na naka-ipit ng madami. I don't know the right word for this hairstyle pero muka akong bakla.
"Remove that P." Utos ko.
"Hahahaha! You're so cute!" Sabi nya. Pero medyo natakot naman sya ng tingnan ko sya ng masama kaya bumalik ulit sya sa likod ko at tinanggal isa-isa yung mga ipit.
"Saan mo ba nakuha 'yan?" I asked and saw a bunch of different hair clips.
"Regalo ko ito sa mga bata kaso na-bored ako kaya nilagay ko sayo." She answered at isa-isa iyong binalik sa lalagyan.
Dala na rin ni P yung regalo nya sakin at buong byahe ay kinulit nya ako kung ano daw ba yung laman ng box na regalo ko sa kanya. But I kept on saying na hindi pwede at bubuksan lang namin yung regalo namin sa isa't-isa ng kami lang ang tao sa paligid. Pero pinilit nya parin ako at sinabi na bigyan ko daw sya kahit clue lang daw kaya natawa ako.
"They're here!" Pag sigaw ni Mom mula sa gate ng Full House nang makita ang sasakyan ko.
Nagsi-labasan naman sila at isa-isa namin nakita kung sino-sino na ang nandoon. I can see Mom, Tita Calliope, Tito Chris and Lola Kristina.
"Where's dad?" I asked.
"Susunod sya dito later. Inayos lang ang mga gamit nya sa opisina." Mom answered and kissed my cheek.
They gave us a warm greetings at pumasok na sa loob. Tinulungan ko naman si P na kuhanin ang mga regalo sa likod ng sasakyan ko. Kulang na lang ay pick-up truck ang dalhin ko dahil ang daming regalo ni P plus yung sakin pa. Ang pinaka-malaking box ay yung kay Parker dahil kotse iyon.
"Nanay Liz at Nanay Lesy! Ito po yung regalo ko sa inyo at gusto ko po sanang gamitin nyo iyan mamayang gabi." Sabi ni P at inabot kila Nanay Liz at Lesy yung dalawang box.
Nilagay ko na sa Christmas tree yung mga regalo na ikina-tuwa ng mga bata ng malaman nila na lahat sila ay may regalo. Buti na lang ay nag kasya iyon sa van na dala ko.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficção Geral"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza