She's Psyche Mendoza
"Pero sa pina-pakita ni V mas lalong lumalalim yung pag tingin ko sa kanya."
CHAPTER 30
It's been two weeks mula nung nangyari yung kay P. Two weeks na rin nya kaming hindi kinakausap o kahit mag pakita manlang. Tita Calliope excused her sa university at agad naman nilang naintindihan iyon dahil kumalat na rin yung balita.
Si Kathryn pala (one of my flings before) ang may pakana ng mga nangyari. Nasabi kasi sa kanya ni Drew na may crush daw iyon kay P pero hindi maka-porma dahil sa akin at ka-team namin sya ni Brick.
Sila Drew ay nasampahan na ng kaso at galit na galit yung mga magulang nila. Ang tatay kasi nya ay Doctor tapos sila Quen at Sam naman ay buisiness man.
"Lumabas na ba sya?" I asked Brick.
Nandito kami ngayon ni Leo sa bahay nila Brick to visit Pysche but she doesn't accept any visitors in her room even Brick and their family.
Actually halos araw-araw na ako nandito at inaabangan sya. Nag be-breakfast kami ngayon dito sa loob ng kwarto ni Brick.
"Kahit kagabi hindi sya lumabas. Hinahatiran lang sya ng pagkain sa labas ng pinto pero lahat ng pagkain na yon ay hindi nya ginagalaw. I also tried to talk to her pero hindi sya sumasagot tapos naka-lock ang pinto." Sagot nya at uminom ng kape.
"Nag a-alala na ako." Saad ko.
"Let's give her more time. Ganyan rin sya noon eh, pero mukang mas matagal tayong mag hihintay para sa pag ba-balik nya." Dagdag ni Leo.
Dumating na si Jules at Raiane na kaka-galing lang sa training nila for UAAP at may mga dalang pagkain.
"Bro ano? Kamusta sya?" Tanong ni Rai kay Brick.
"Still the same."
Kahit ganyan si P ngayon ay hindi ko parin tinigil ang pag bibigay ng flowers sa kanya every morning at isang letter. Sana lang ay nababasa nya yun at ngayon ay lalabas na ako para i-abot ang bulaklak at isa ulit letter para sa kanya.
"Binabasa nya kaya yan?" Tanong ni Jules.
"I don't know. But I hope she does." Sagot ko.
Lumabas na ako at kumatok tapos iniwan sa labas ng pinto ang bulaklak at letter. Minsan naman sa bintana nya, doon ko hinahagis yung flower at letter dahil katabi lang iyon ng veranda ni Brick at abot ang bintana ni P.
Bumaba na ulit ako at narinig kong bumukas ang pinto kaya nakita ko ang kamay ni P na kinuha yung flower at letter.
"P?!" I said. Napa-lakas yata ako ng tawag kaya bigla kong narinig ang takbo nila Brick palabas ng pinto. Pero sinara agad ni P yung kanya kaya hindi namin sya naabutan.
"Lumabas sya?!" Gulat na tanong ni Leo.
I nod at nag salita. "Yeah pero yung kamay lang nya dahil kinuha nya yung binigay ko."
Ano kayang ginagawa nya ngayon? Kumain na kaya sya? Okay lang ba sya? Parang mas okay na rin pala na cold sya sakin kaysa ganyan sya. Kung noon ay cold lang sya, ngayon parang naging yelo na sya at alam kong mas mahihirapan akong tunawin yung yelo na yun na bumabalot sa puso nya.
Wow hugot!
"Okay lang yan V. Lalabas rin yon!" Sabi ni Jules.
"Hindi naman yun yung iniisip ko eh. Baka pag nakita natin ulit si P halos kalansay na sya. Kasi hindi sya kumakain." Sagot ko.
Bigla naman na-ubo si Brick nang marinig yung sinasabi ko.
"Mag kapatid nga kayo ni P! Parehas kayong nau-ubo lagi pag kumakain." Sabi ko at inabot ang baso ng tubig.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Fiksi Umum"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza